Russland führt einen schändlichen Krieg gegen die Ukraine.     Stehen Sie an der Seite der Ukraine!
  • Frozen (OST)

    Ako 'to [Let it Go]

    Gastmusiker: Owen Caling
Teilen
Schriftgröße
Originaltext

Ako 'to [Let it Go] Liedtext

Kumikislap ang nyebeng puti
Sa bundok na kay dilim
Wala nang nasasakupan
Reyna ng pag-iisa
Ihip ng hangin, puso kong sumisigaw
'Di matahimik, ano mang pilit
 
Itago lang at ilihim
Bilin sakin kailangan lang sundin
Pigil kimkim ang sekreto
Ang totoo
 
Ako 'to, ako 'to
Hindi na maitatago
Ako 'to, ako 'to
Talikuran na ang mundo
Kung dinggin sasabihin nila
Dala ng unos
Sanay sa lamig ang pusong ito
 
Problema ay natutunaw
Habang lumalayo
Takot na pumigil sakin
Hindi na hadlang ngayon
 
Kayang gawin ang nais ko
Subukan ng hangganan ko
Walang bawal, walang mali
Dahil!
 
Ako 'to, ako 'to
Langit at hangin akin na
Ako 'to, ako 'to
Hindi na luluha
Pagmasdan aking lunlan
Dala ng unos
 
Kapangyarihan hindi mapigil ang agos
Tapat ng diwa yelong obra ang hinuhubog
Sigaw ng isip tila hangin ang pasya
Hindi na babalik
Lahat iwanan na
 
Ako 'to, ako 'to
Gigisingin na ang mundo
Ako 'to, ako 'to
Tapat na sa puso
Pagmasdan, araw akin lang
Dala ng unos
Sanay sa lamig ang pusong ito
 

 

Kommentare