Pinakamasakit sa Lahat (Mest ondt)

Filipino Übersetzung

Pinakamasakit sa Lahat

Kung ako lang ang masusunod, ikaw ay narito pa rin
Susundin natin ang isa't isa at hindi maghihiwalay
Kung ako lang ang masusunod, ako'y nasa iyong bisig pa rin ngayong gabi

Kung ako lang ang masusunod, pipigilan ko ang pag-takbo ng oras
Ngayo'y tayo'y nagkahiwalay, at ngayon ako'y mayroon ng iba
At huli na ang lahat, iba na ang nasa aking bisig ngayong gabi

Na sa iyo na lahat ng pinakamagagandang bagay na kaya kong ibigay
Na wala ng pag-asa pang makuha ito muli

Ang nagpapasakit sa lahat ay namimiss ko ang lahat ng ikaw ngayon
Na ngayo'y iyong ibinibigay sa isang tao na hindi ako
Pero ang nagpapasakit sa lahat
Ang nagpapasakit sa lahat
Kapag ika'y ngumiti muli, umibig muli, humaplos muli sa isang tao na hindi ako
Kapag ako'y hindi na sa iyo, iyon ang nagpapasakit sa lahat

Hindi lamang ako ang pumili ng pasya na ito,
Pinahirapan natin ang isa't isa, at ika'y biglang nagbago
Ngayon, hindi lamang ako, ngunit tayong dal'wa ang nagpasyang tumahak ng sari-sariling landas.

Pinaghintay kita ng kay tagal
Ngunit dahil lamang ito sa pangamba sa aking isipan
At kung ano ang iyong sasabihin sa akin, pero ngayon, malinaw na tapos na ang lahat

Na sa iyo na lahat ng pinakamagagandang bagay na kaya kong ibigay
Na wala ng pag-asa pang makuha ito muli

Ang nagpapasakit sa lahat ay namimiss ko ang lahat ng ikaw ngayon
Na ngayo'y iyong ibinibigay sa isang tao na hindi ako
Pero ang nagpapasakit sa lahat
Ang nagpapasakit sa lahat
Kapag ika'y ngumiti muli, umibig muli, humaplos muli sa isang tao na hindi ako
Kapag ako'y hindi na sa iyo, iyon ang nagpapasakit sa lahat

Ano kaya kung ika'y aking hinintay pa
Kahit ngayong may kasama ka ng iba
Iyon ang nagpapasakit sa lahat

Ang nagpapasakit sa lahat ay namimiss ko ang lahat ng ikaw ngayon
Na ngayo'y iyong ibinibigay sa isang tao na hindi ako
Pero ang nagpapasakit sa lahat
Ang nagpapasakit sa lahat
Kapag ika'y ngumiti muli, umibig muli, humaplos muli sa isang tao na hindi ako
Kapag ako'y hindi na sa iyo, iyon ang nagpapasakit sa lahat

Von bluebamboo am So, 30/10/2011 - 17:07 eingetragen
1 Mal gedankt
Gäste haben sich 1 Mal bedankt
NutzerVeröffentlicht vor
Miley_Lovato4 Jahre 26 Wochen
5
Kommentare