Awtomatik
Ika'y parang makina
Ang puso mo'y di na tumitibok para sa akin
Awtomatik
Ang kamay mo'y
hinahawakan ako
walang pakiramdam
Awtomatik
Ang boses mo'y 'sang kuryente
'San ka 'nung nagsasalita 'to?
Awtomatik
Sabi mo importante ako
Sinong nagprograma sa'yo?
Refrain:
Tumawa ka
Pero ang totoo'y hindi
Umiyak ka
Pero ang totoo'y hindi
May naramdaman ka
Pero wala kang damdamin
Dahil wala kang pagmamahal
Awtomatik
Tumatakbo 'ko sa kalsada
Walang daan papunta sa'yo
Awtomatik
Sinundan ako ng anino mo
At niyakap niya ako
Ika'y awtomatik
Kontrolado
Mekanismo
Ika'y awtomatik
Ika'y walang laman
Di mo na kaya
Lahat na'ng nasa iyo
Pinag-ensayuhan
Tumatayo sa harapan ko
I'm Pete Santoso from General Santos City... Hope you like it...