Sa bingit ng laot ay nakatitig
Sabik sa simoy ng hangin, isip ay naliligaw
Kahit anong pilit makabawi
Di mapigil ang sarili na makapagtampisaw
Bawat 'sang hakbang, bawat kong landas
Ay nakalihis, ay nakatikwas
Sa pangarap kong, di ko matungtong, di ko makamit.
Laot ay inaakit akong lumapit
Saang dako ang hanggan mo?
Kung gabay sa lakbay ko ang alon at hangin
Subukan kong maglayag kahit di ko batid ang layo
Dito sa kinagisnang tahanan, masaya'ng buong lipunan
'La nang hahanapin pa
Dito, ang bawat isa sa amin, may kanya-kanyang tungkulin
At saki'y nakatakda na
Mangunguna ako, at mamumuno
Lagaslas ng awit ko'y bubuhos
Ngunit awit ng pusong nilunod
Di magkahimig
Ang lukso ng kinang sa tabsing, maluwalhati
Maaabot ba'ng lalim mo?
Kahit sa'n pang lupalop tangayin, kung mangyaring
Tugunan ko'ng, tawag ng saklaw ng abot-tanaw
Laot ay inaakit akong lumapit
Saang dako ang hanggan mo?
Kung gabay sa lakbay ko ang alon at hangin
Dalhin mo 'ko, sa malayo