Mahal Kita (I love you)

Filipino/Tagalog translation

Mahal Kita

Nakangiti ako
Nang tenga sa tenga
Nakita lang kitang dumaraan
 
Nagtagpo tayo sa tapat ng ilaw
sandali kitang tinitigan
Naglaho ang mundo sa ating paligid
 
Tanging ikaw lang at ako
Sa isla ng pag-asa ko
Ang isang hininga sa pagitan natin ay waring kay layo
 
Hayaan mo akong paligiran ka
ang aking dagat sa iyong dalampasigan
Hayaan mong maging ako ang kapayapaang iyong hinahangad
 
Ah sa tuwing kapiling ka'y
napakarami kong hindi masambit
Hanggang sa lumakad ka na lang papalayo
 
At nakalimutan kong
Sabihin sa iyo
Na mahal kita
At waring ang gabi'y
napakahaba
At napakalamig
Kapag wala ka
Lubha akong nalulungkot
Pagkat di ako makahagilap ng salita para masabi sayong kailangan kita.
 
oh sa tuwing kapiling ka'y
napakarami kong hindi masambit
Hanggang sa lumakad ka na lang papalayo
 
At nakalimutan kong
Sabihin sa iyo
Na mahal kita
At waring ang gabi'y
napakahaba
At napakalamig
Kapag wala ka
 
Submitted by arlene.basbas on Fri, 28/09/2012 - 09:16
Author's comments:

One of my favorite songs of all time, the lyrics so beautiful and poignant matches the ethereal voice of the singer. Smile

Comments