Russia is waging a disgraceful war on Ukraine.     Stand With Ukraine!
Share
Font size
Translation
Swap languages

Paglalahad

Pag di na malakas ang tuhod mo tulad ng dati
At hindi na ganun kalakas ang dating ko sa iyo
Maaalala mo pa ba ang tamis ng aking pag-ibig?
Makikita ko pa ba ang ngiti sa yong mga mata?
 
Mamahalin pa rin kita kahit umabot pa tayo ng sitenta
Dahil itong puso ko ay para lang sa isang beinte anyos
Naiisip ko kung paano nagmamahal ang mga tao
sa mga paraang mahiwaga
Seguro sa isang pag-abot ng kamay
Para sa akin- mahal kita sa bawat araw
Marapat lamang na iyong malaman
 
Giliw ko ako ngayon ay iyong yakapin
Halikan sa ilalim ng libu-libong mga bituin
Ilapit ang pisngi dito sa pusong tumitibok
At aking ilalahad tunay kong saloobin
Marahil ating natagpuan itong pag-ibig
Dito lang sa ating kinatatayuan
 
Malagas man lahat ng buhok kasabay ng mga alaala
At mga tao hindi na rin ako kilala
Kung hindi tumutugtog ang kamay tulad ng dati
Alam kong ako pa rin ay patuloy mong mamahalin
 
Pagkat giliw hindi tatanda itong kaluluwa
tulad ng mga halamang laging sariwa
Ang iyong ngiti sa 'king pangarap ay hindi mapaparam
Naiisip ko lang kung paanong napapa-ibig
sa di malinaw na paraan
Marahil ito na talaga ang talagang nakatakda
Sa kabila ng paulit-ulit pang mga pagkakamali
 
Giliw ko ako ngayon ay iyong yakapin
Halikan sa ilalim ng libu-libong mga bituin
Ilapit ang pisngi dito sa pusong tumitibok
At aking ilalahad tunay kong saloobin
Marahil ating natagpuan itong pag-ibig
Dito lang sa ating kinatatayuan
 
Original lyrics

Thinking Out Loud

Click to see the original lyrics (English)

Comments