Paroles originales
1 traduction
paroles de Lahat sa buhay ko
Kulang ang bawat sandali
Kung di kapiling ka
Bakit ba sa pag-iisa
Hanap-hanap kita
Ayokong mangyari na
Sa piling ko’y mawalay ka
Ikaw lang palagi at
Wala na ngang iba
Ang puso ko,
Ang isip ko,
Ang buhay ko’y
Para sa yo
At hindi kailanman
Ako sa yoy magbabago
Maglalaho itong mundo
Ngunit di ang pag-ibig ko
Ganyan ka kamahal
Ang siyang lahat sa buhay ko
Hindi ako nangangamba
Bastat kasama ka
At lagi ay nadarama
Init ng pagsinta
Ayokong mangyari na
Sa piling ko’y mawalay ka
Ikaw lang palagi at
Wala na ngang iba
Hindi ko kailangan
Kahit na anong yaman sa mundo
Hiling ko lamang
Habang buhay ay
Ikaw at ako
Walang saysay
Ang pag-ibig kung iiwanan mo
Nais ko ikaw lang
Dito sa’king mundo
Ang sa tuwina’y kayakap ko