Tayo'y nasa simula at sa hangganan
At tayo'y nag-sanib pwersa ngayon lamang
Kalaba'y magkaibigan sa sandatahan
Akalain mo kaya?
Nakatayo sa daangtala't kung saan man
Anim na bilyong hinlalaki sa hangin
Malay natin kung bukas pa ay darating
Ang tanawi'y nagdilim na
Anong mali ang nagawa?
Hello, kapitang pangkalawakan
Hello, nakita mo ba iyan?
Nawawala ang mga bituin
Sa sistemang pang-araw na itim
Sa sistemang pang-araw na itim
May nagsasabing sila ay may nakita
May nagsasabing ito'y panandalian lamang
Sa isang saglit ang lahat ng puso'y tumigil
Wala nang maramdaman
Lumamig ng tuluyan
Ako'y nahulog sa gabi
Upang ika'y hanapin
Lahat ay nawawasa
Nagliliyab na pangarap
Pag-ibig na nagyelo
Tayo'y sabay na sumigaw magisa
Ang mga terminong pang-agham ay sadyang mahirap isalin sapagkat madalas ay walang katumbas na salita ito sa Filipino. At kung mayroon man ay kadalasan ay mahirap itong bigkasin, mahaba ito, o masyadong kumplekado kung kaya't ginagamit nalang ang mga terminong pang-agham na Ingles.
Iniisip ko kung may katumbas ang "Hello" o "Hallo" sa Filipino at napag-isipan kong gamitin nalang ang "Hello" dahil ito ang kadalasang ginagamit.