Remember Me (Dúo) (إلى الفيليبنية/التاغالوغية ترجم)

الإعلانات
إلى الفيليبنية/التاغالوغية ترجمالفيليبنية/التاغالوغية (rhyming)
A A

Alalahanin Mo Ako (Duo)

[Miguel]
Alalahanin mo ako, magpaalam ma'y kailangan
Alalahanin mo ako, paiyakin ka'y 'wag hayaan
Dahil kahit na malayo pa, sa puso'y tangan ka
Sa bawat gabing magkawalay, lihim na aawitan ka
Alalahanin mo ako, kahit malayo man ang paglalakbay
Alalahanin mo ako, sa tuwing makarinig ng gitarang kay lumbay
Iyong tatandaan lagi, kasama ka sa tanging paraang maaari
Hanggang sa ika'y nasa piling ko nang muli
Alalahanin mo ako
 
[Natalia Lafourcade & Miguel]
Pagtibok ng awitin natin nawa'y magpatuloy
Tanging pag-ibig mo ang s'yang bubuhay
Alalahanin mo ako
Pagtibok ng awitin natin nawa'y magpatuloy
Tanging pag-ibig mo ang s'yang bubuhay
 
[Natalia Lafourcade]
Alalahanin mo ako, kung sa isipan mo'y buhay
Alalahanin mo ako, panaginip ko'y ibibigay
Ika'y dadalhin sa puso ko at sasamahan ka
Awiting tayo'y pinag-isa, naroroon at kasama ka
 
[Natalia Lafourcade]
Alalahanin mo ako, sa tuwing ika'y nag-iisa
Alalahanin mo ako, pag-awit ko'y hahagkan ka
Malayo man ang pagitan, 'wag kakalimutan, ika'y laging sasamahan
Alalahanin mo ako
 
[Miguel]
Ipikit ang 'yong mga mata, hayaang tumugtog ang musika
Ating pag-ibig ay mananatili, 'di na maglalaho pa

Alalahanin mo ako, dahil paglisa'y malapit na
Alalahanin mo ako, hayaang magpatuloy ating pagsinta
Iyong tatandaan lagi, kasama ka sa tanging paraang maaari
Hanggang sa ika'y nasa pling ko nang muli
Alalahanin mo ako
 
[Natalia Lafourcade & Miguel]
Pagtibok ng awitin natin nawa'y magpatuloy
Tanging pag-ibig mo ang s'yang bubuhay
Alalahanin mo ako
Pagtibok ng awitin natin nawa'y magpatuloy
Tanging pag-ibig mo ang s'yang bubuhay
Alalahanin mo ako
 
I made all of my translations, unless stated otherwise.
If you do want to copy them, please give credit. Thank you.
تم نشره بواسطة CaizerCaizer في الجمعة, 19/07/2019 - 02:32
الإنكليزية, الاسبانيةالإنكليزية, الاسبانية

Remember Me (Dúo)

ترجمات أخرى للأغنية "Remember Me (Dúo)"
الفيليبنية/التاغالوغية RCaizer
التعليقات