Empty (ফিলিপিনো / তাগালোগ অনুবাদ)

Advertisements
ফিলিপিনো / তাগালোগ অনুবাদফিলিপিনো / তাগালোগ
A A

Hungkag

Di ko kaya mga pahirap
Masasabi ko lang ay masakit ito
Maayos daw ang lahat
Unahin ko lang ang sarili ko
Palagi akong nagpapakahirap
Para di wasakin ang sarili ko
Ang enerhiyang ito'y sinasakal ang diwa ko
Gusto ko lang lunurin
Ang mga iniisip ko
Masyadong madami ang nangyayari
Nais ko lang ito tumigil at sinubukan ko din
Pero buhay ay nakakainis saka tayo mamamatay
 
Yan ang katotohanan, yeah, wag kang magsinungaling
Yeah, ako'y basag, pero di ko naman nais ito
 
Tinatanong ko kung ako'y sapat
O baka sobra na
Para uminom, magsigarilyo, lumunok
Ako'y nalulunod sa aking mga pighati
May mga kautusang di ko susundin
Magkunwaring wala ng bukas
Sana wala ng bukas
 
Pero ako'y hungkag, yeah ako'y hungkag
At ayoko ng mabuhay pero takot mamatay
Yeah ako'y hungkag, di ko ramdam ang buhay
At ayoko ng mabuhay pero takot mamatay
 
Sana mabura ko ang mga alaala ko
Para di ko ramdam na wala akong saysay
Sana ito'y di nakakatukso
Pero mahirap labanan kapag ito'y madami
Mga bagay na nakakagulo
Gusto kong kumawala pero ako'y nakadikit
Kaya ang kaya ko lang punuhin ang baso ko
at umupo rito at sana walang manggulo
 
Yan ang katotohanan, yeah, wag kang magsinungaling
Yeah, ako'y basag, pero di ko naman nais ito
 
Tinatanong ko kung ako'y sapat
O baka sobra na
Para uminom, magsigarilyo, lumunok
Ako'y nalulunod sa aking mga pighati
May mga kautusang di ko susundin
Magkunwaring wala ng bukas
Sana wala ng bukas
 
Pero ako'y hungkag, yeah ako'y hungkag
At ayoko ng mabuhay pero takot mamatay
Yeah ako'y hungkag, di ko ramdam ang buhay
At ayoko ng mabuhay pero takot mamatay
 
Katawan ko'y inaalog
Ulo ko'y sumasakit
Parang ramdam ko'y puso ko'y nababasag
Katawan ko'y inaalog
Ulo ko'y sumasakit
Di ko maayos ang gulong gawa ko
 
Pero ako'y hungkag, yeah ako'y hungkag
At ayoko ng mabuhay pero takot mamatay
Yeah ako'y hungkag, di ko ramdam ang buhay
At ayoko ng mabuhay pero takot mamatay
 
Marco PogiMarco Pogi দ্বারা শুক্র, 02/03/2018 - 22:19 তারিখ সাবমিটার করা হয়
Ezrah KimEzrah Kim এর অনুরোধের জবাবে যোগ করা হলো
ইংরেজীইংরেজী

Empty

Olivia O'Brien: সেরা 3
মন্তব্যসমূহ