Advertisement

Holy Holy Holy ( Φιλιππινέζικα (Διάλεκτοι) μετάφραση)

Advertisement
Φιλιππινέζικα (Διάλεκτοι) μετάφραση

Banal, banal, banal

banal, banal, banal
Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat
Pagliwanag ng umaga
ang aming awit ay titindig sa Iyo
banal, banal, banal
Mahabagin at makapangyarihan
Diyos sa Tatlong Katauhan
Pinagpalang Trinidad
 
Banal, banal, banal,
lahat ng santo'y nagpupuri sa Iyo
inalay ang kanilang mga gintong korona
palibot sa mala-kristal na dagat
 
Kerubin at serapin
ay nagpapatirapa sa Iyo
noon, ngayon at siyang darating
 
banal, banal, banal
magtago pa man ang kadiliman sa Iyo
Hindi man makita ng isang makasalanang tao
ang Iyong kadakilaan
Tanging Ikaw lang ang banal
Walang sinuman ang papantay sa Iyo
Ganap sa kapangyarihan,
sa pag-ibig, sa kabanalan
 
banal, banal, banal
Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat
Lahat ng nilikha Mo'y
magpupuri sa Pangalan Mo
Lupa, langit o dagat man
banal, banal, banal
Mahabagin at makapangyarihan
Diyos sa Tatlong Katauhan
Pinagpalang Trinidad
 
Υποβλήθηκε από introvoyz041 στις Πέμ, 05/01/2012 - 07:34
Προστέθηκε προς απάντηση στο αίτημα του risandnicsmom
Αγγλικά

Holy Holy Holy

Christian Hymns & Songs: Κορυφαία 3
See also
Σχόλια