Pinoy Worship Songs - Salamat Panginoon

Advertisements
Φιλιππινέζικα / Τάγκαλογκ

Salamat Panginoon

Ikaw ay mabuti, bawat sandali
Sa habang buhay ay mananatili
Hindi mapapawi o maikukubli
Maging sa dilim ng gabi
 
Sandigang matibay, ang 'Yong pangako
Lakas at pag-asa ng aking puso
Hindi na mabilang, pagkakataon
Patunay ng katapatan Mo
 
Sa dalamhati at sa kabiguan
Sa pagluha ng pusong nasugatan
Sa pagsubok na Iyong pinahihintulutan
Salamat, Panginoon
Sa katugunan sa aking dalangin
Sa kalakasang sa 'Yo nanggagaling
Sa pagtuturo at pagtutuwid Mo sa 'kin
Salamat, Panginoon
 
Ikaw ay mabuti, Ikaw ay tapat
Sa'Yo ang papuri at pasasalamat...
 
Υποβλήθηκε από SaintMark στις Πέμ, 22/03/2018 - 12:10
Ευχαριστώ!

 

Advertisements
Βίντεο
Μεταφράσεις του τραγουδιού ''Salamat Panginoon''
Pinoy Worship Songs: Κορυφαία 3
Σχόλια