Advertisement

Kamikazee - Halik

Filipino/Tagalog

Halik

Kumupas na lambing sa iyong mga mata
Nagtataka kung bakit yakap mo'y 'di na nadarama
May mali ba akong nagawa?
Tila nag-iba ang mga kilos mo at salita
Bakit kaya parang hindi ka na masaya?
 
Ika'y biglang natauhan umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss, hanggang kailan ito matitiis?
Ika'y biglang natauhan umalis kaagad ng wala man lang paalam
'Pag nawala doon lang mamimiss, hanggang kailan ito matitiis?
 
Alam ko na magaling lang ako sa umpisa
Umasa ka pa sa aking mga pangakong nauwi lang sa wala
Nasayang lang ang iyong pagtitiyaga
Wala kang napala at puro lang ako salita
Kaya pala paggising ko wala ka na
 
Ika'y biglang natauhan umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss, hanggang kailan ito matitiis?
Ika'y biglang natauhan umalis kaagad ng wala man lang paalam
'Pag nawala doon lang mamimiss, hanggang kailan ito matitiis?
 
Ika'y biglang natauhan umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss, hanggang kailan ito matitiis?
Ngayon ko lang natutunan na subukang mamuhay na para bang may kulang
'Pag nawala doon lang mamimiss paalam sa halik mong matamis
 
Submitted by bluebamboo on Sun, 26/02/2012 - 18:30
Thanks!

 

 

Advertisement
Translations of "Halik"
Kamikazee: Top 3
Comments