Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa lyrics

Filipino/Tagalog
Filipino/Tagalog
A A

Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa

Bulong ng 'yong puso aking naririnig
'Di ka malayo, iisa'ng ating tinig
Sa Diyos nagtitiwala, daan ay mahahanap
Ito ang paalala sa lahat Niyang anak
 
Hakbang pa, kapit lang
Wala sa'ting maiiwan
Kaya pa, laban lang
Gabay nati'y pagmamahalan
 
Andito muli ang himala ng Pasko
Kabutihan ng tao ang ilaw ng mundo
Andito ang Diyos, dala Niya'y pag-asa
Andito tayo para sa isa't-isa
 
Andito tayo para sa isa't-isa, oh-oh-oh, oh
Andito tayo para sa isa't-isa, oh-oh-oh, oh
Para sa isa't isa
 
Sa pangangamba, hindi patatangay
Panahon ma'y mag-iba, laging kapit-kamay
Lahat haharapin ng magkasama
Isa't isa'y aakayin, tayo ay pamilya
 
Hakbang pa, kapit lang
Wala sa'ting maiiwan
Kaya pa, laban lang
Gabay nati'y pagmamahalan
 
Andito muli ang himala ng Pasko
Kabutihan ng tao ang ilaw ng mundo
Andito ang Diyos, dala Niya'y pag-asa
Andito tayo para sa isa't-isa
 
May liwanag sa dulo ang lahat ng ito
Sa bagong simula ng daigdig
Maghahari na ang pag-ibig
 
Hakbang pa, kapit lang
Wala sa'ting maiiwan
Kaya pa, laban lang
Gabay nati'y pagmamahalan
 
Andito muli ang himala ng Pasko
Kabutihan ng tao ang ilaw ng mundo
Andito ang Diyos, dala Niya'y pag-asa
Andito tayo para sa isa't-isa
 
Andito tayo para sa isa't-isa, oh-oh-oh, oh
Andito tayo para sa isa't-isa, oh-oh-oh, oh
Para sa isa't isa
 
Yow, andito si nanay saka si tatay
Pag-ibig nila'y liwanag sa'tin nakaagapay
Andito rin ang mga guro at kabataan
Pinaglalaban nila ating kinabukasan
(Uh, uh) Andito ang mga anghel sa lupa
Kalinga nila'y pagpapala na 'di humuhupa
Andito ang puso ng mga nangibang bayan
Malayo man sila dito laging may'rong tahanan
Andito ang mga nag-iingat sa atin
Saludo tayo, tapat sila sa tungkulin
Andito ang mga naglilingkod sa kapwa
Salamat sa dala nilang ginhawa
Andito ang paghilom at pag-asa
Dahil andito tayo para sa isa't-isa
 
Hakbang pa, kapit lang
Wala sa'ting maiiwan
Kaya pa, laban lang
Gabay nati'y pagmamahalan
 
Andito muli ang himala ng Pasko
Kabutihan ng tao ang ilaw ng mundo
Andito ang Diyos, dala Niya'y pag-asa
Andito tayo para sa isa't-isa
 
Andito muli ang himala ng Pasko
Kabutihan ng tao ang ilaw ng mundo
Andito ang Diyos, dala Niya'y pag-asa
Andito tayo para sa isa't-isa
 
Andito tayo para sa isa't-isa, oh-oh-oh, oh
Andito tayo para sa isa't-isa, oh-oh-oh, oh
Andito tayo para sa isa't-isa, oh-oh-oh, oh
Andito tayo para sa isa't-isa, oh-oh-oh, oh
Para sa isa't isa
 
Thanks!
thanked 9 times
Submitted by SLORSLOR on Tue, 16/11/2021 - 05:29
Last edited by SLORSLOR on Thu, 02/12/2021 - 00:19
Submitter's comments:

Lyrics from Genius

 

Translations of "Andito Tayo Para Sa ..."
ABS-CBN: Top 3
Comments
Read about music throughout history