Russia is waging a disgraceful war on Ukraine.     Stand With Ukraine!
  • Dionela

    Musika • Musika

Share
Font size
Original lyrics

Musika lyrics

Ikaw lang mahal, laman ng tula
Tunog ng gitara't himig ng kanta
Kumupas man ang tinig ay hindi mawawala
Hiwaga mong dala, ikaw aking musika
 
Kung dumating ang araw na 'di na maalala
Ng iyong mata ang aking mukha
Mahal 'wag kang mag-alala
Tanda naman ng puso ang itsura ng naging pagsinta
 
Kung oras ay nababalik lang sana
Ay babalik nung una kang nakita
Muli kang liligawan nang muli kong
Maranasan ang umibig sa anghel sa lupa
 
Ikaw lang mahal, laman ng tula
Tunog ng gitara't himig ng kanta
Kumupas man ang tinig ay hindi mawawala
Hiwaga mong dala, ikaw aking musika
 
Kung utak ay hindi na kayang gumawa ng melodiya
Para pisngi mo'y pumula
Memorya ko man ay wala nakatatak na sa tadhanang
Minsan sa'yo'y namangha
 
Kung oras ay nababalik lang sana
Ay babalik nung una kang nakita
At aking iuulat sa iyong umabot
Nang walang hanggan ang storya nating dal'wa
 
Ikaw lang mahal, laman ng tula
Tunog ng gitara't himig ng kanta
Kumupas man ang tinig ay hindi mawawala
Hiwaga mong dala, ikaw aking musika
 
Ikaw lang mahal, laman ng tula
Tunog ng gitara't himig ng kanta
Kumupas man ang tinig ay hindi mawawala
Hiwaga mong dala, ako ang 'yong musika
 

 

Translations of "Musika"
Comments
Read about music throughout history