Russia is waging a disgraceful war on Ukraine.     Stand With Ukraine!
  • Flow G

    BATUGAN

Share
Font size
Original

BATUGAN lyrics

Flip D on the beat
 
Ang sipag magtututulog kaya pitaka puyat
Imbis magbanat ng buto nag-unat ng butong
May kasamang hikab, gano'n katamad
Sa bayabasan ka magaling mag-abang na malalaglag
At magtataka ka pa kapag sa bulsa mo wala ka na nakakapkap (Clap, clap, clap)
Ang hilig mo sa teka muna, kaya imbis salapi ang nakuha mo muta
Punto ko sana makuha na baka sa kakahiga mo ay d'yan ka makuba
Anong misyon mo sa lupa? Magpatigas ng batuta?
Paramihin ang populasyon, ganyan ba talaga
'Pag walang ambisyong mataas 'di nalulula
Buti pa tupa, napapastol, ikaw puro angas, tol
Halatang nagpapanggap, 'pag nasa labas ng door (Sa labas)
Iba-ibang palabas kaya madalas mag-mall
Akala mo lang nakahabol ka na pero 'di ka pa nakaka-score
 
'Di lang pala 'yung tulog 'yung pwedeng may mapanaginipan (G-gising)
'Di rin pwede na lahat ng gusto idaan sa hilingan (Hindi pupwede)
'Pag may nahiligan, 'di madalian, 'di madali 'yan (Hindi madali)
Ba't 'di pag-igihan, sige ika'y magpursigi kasi 'di pa huli
 
Pero sa'yo 'yan naka dipende, 'di 'yung nakabase ka sa swerte
'Di laging pupwede na, 'yung pwede lang
Kung pupwede nga, isipin na walang bagay na hindi pwede
Syempre 'di araw-araw a-bente-singko ng Disyembre
Darating at darating ang peste, 'yan ang dapat mong paghandaan
Kasi buti pa 'yung letche flan ay may plano kahit letche
Akala ko ayaw mo ng delata? ('Kala ko!)
Pero lagi kang nakahilata (Bakit?)
'Kala ko ayaw mong tumanganga? ('Kala ko!)
Pero inuuna mo bunganga (Eh)
'Kala ko gusto mo ng biyaya? (Woo!)
Pero lagi kang nakatihaya (Damn!)
Sarili mo din ang dinadaya kasi sa katamaran mo siya niyaya
 
Dapat kasi 'di ka pumapayag (Pu, pu, pu, pu)
Ikaw din naman ang mahihirapan (Brrt, pow, brrt, pow)
Tsaka ikaw din ang manghihinayang sa masasayang
 
Hoy batugan 'di ka pa mayaman wala ka pang matabang wallet
Bakit 'di ka makabangon
Baka bakal ang mukha mo tapos unan mo naman magnet
Pahiga-higa lang sa higaan 'kala mo biyaya sa iyo ang kusang lalapit
Iba ka hanep, 'di nagpa-panic
Sanay ka bang walang budget o sadyang wala ka lang target (At)
'Yung iba naman mga tamad ay mayroon din kakaibang mindset
Kaso lang hindi natin alam kung utak ba talaga nila ang ginagamit o gumagamit
'Pag walang-wala at 'pagkakailangan ay sa patalim kumakapit, pag walang arep
Sige ang dali, sige ituloy mo pa pare, hangga't 'di ka pa sumasabit
Sana malabanan mo sarili mo nasanay na na puro ka hingi (Puro ka hingi!)
Alam mo naman siguro sa sarili mong 'di 'yan nakakabilib
Tapos siya pa 'yung galit sa'yo sa pilitan
'Yun naman ang 'di ko maintindihan
Tipong imposibleng 'di mo din kainisan
Kahit paulit-ulit mo pa sigehan
Mali ka na kahit isang beses mo lang hindian
 
Sa mga naririnig mo sana nakatutok ka
Para matuto ka ng siraulo ka (Siraulo!)
Ang sakit mo na sa ulo kasi baka 'yung sakit mo nga ay nasa ulo na
'Pag 'di ka kumilos ay hindi ka tutuka
Kapag hindi ka ngunguya nang ngunguya mabubulunan ka naman o 'di kaya
Bibig naman ay bubula kasi hindi 'to labanan ng patigasan ng mukha
Kaya matutong mahiya
 

 

Comments