Advertisements

Gloc-9 - Tinta

  • Artist: Gloc-9
  • Song: Tinta
  • Album: Matrikula
  • Translations: English
Filipino/Tagalog
A A

Tinta

[Chorus]
Pwedeng asul
pwedeng itim
pwedeng pula
pwedeng iba
Ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila
Sila na syang makikinig at kakabisado ng kanta
Ngayon sabihin mo sa akin
Paano mo ginamit ang tinta?
 
[Verse 1]
Nagsimula ang lahat ng aking mahawakan ang papel at panulat
habang ako'y tinuturuan ni nanay
habang sya'y naglalaba ng damit sa poso
paulit-ulit isinusulat at dapat deretso ang mga
letra na parang petsa sa kalendaryo
Magbasa ng aklat kung minsan nama'y komiks at dyayryo
ng sa gayo'y mapalawak ang aking bokabularyo
at hindi imbento na parang gamot ng albularyo
 
Nag-aral isa dalawa tatlong baytang sa elementarya
natapos sa ika-anim ngunit walang medalyang nakasabit saking leeg
kung hindi sampagitang dala-dala ni tatay pagkatapos niyang mamasada
lumipas ang mga taong sinubukang lumikha
mga salitang magkatugma na ang tawag ay tula
ngunit may nagsabi sa akin "Ris pagnaron ka na,
sabihin mo saakin kung paano mo ginamit ang tinta."
 
[Chorus]
Pwedeng asul
pwedeng itim
pwedeng pula
pwedeng iba
Ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila
Sila na syang makikinig at kakabisado ng kanta
Ngayon sabihin mo sa akin
Paano mo ginamit ang tinta?
 
[Verse 2]
Paggising mo sa umaga maliligo ka sa banyo
papasok ka sa eskwela
manghihingi ka ng baon
Kung titigna'y wala kang pinagkaiba sa lahat
ngunit sa iyong isipan ay may nabubuong alamat
ng isang makatang laging titingalain ng lahat
ang mga awit na ikaw lang ang may alam ng pamagat
na balang araw ay sasambitin
awit mo'y kakantahin
ng lahat ng batang tulad mo na may pangarap rin
 
Ngunit ngayo'y nagisisimula ka pa lang
di mo hahayaang pigilan ang iyong bawat hakbang
kahit na ito'y mabagal na parang nakasaklay
Ang mga pangarap mo ang syang sandata mong taglay at
walang makakapigil kahit minsan ay parang
wala ka nang maayos na lupang pwedeng lakaran
ngunit pagdating ng araw at naron ka na
sabihin mo sa akin kung paano mo ginamit ang tinta
 
[Chorus]
Pwedeng asul
pwedeng itim
pwedeng pula
pwedeng iba
Ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila
Sila na syang makikinig at kakabisado ng kanta
Ngayon sabihin mo sa akin
Paano mo ginamit ang tinta?
 
Thanks!
Submitted by krystalla.viewkrystalla.view on Sat, 20/05/2017 - 19:03

 

Advertisements
Video
Translations of "Tinta"
Gloc-9: Top 3
Comments
Read about music throughout history