Advertisements

Juan Caoile - Marikit

  • Artist: Juan Caoile (John Patrick Caoile)
  • Song: Marikit
  • Featuring artist: Kyleswish
  • Translations: English
Filipino/Tagalog
A A

Marikit

Ikaw ang binibini na ninanais ko
Binibining marikit na dalangin ko
Ikaw ang nagbigay ng kulay sa 'king mundo
Sana ay panghabang-buhay na ito
Ikaw ang binibini na ninanais ko
Binibining marikit na dalangin ko
Ikaw ang nagbigay ng kulay sa'king mundo
Sana ay panghabang-buhay na ito
 
Oh binibini ko, ikaw ang nais ko
Na makapiling sa buong buhay ko
Laman ng panaginip, ikaw ang iniisip
'Di ko alam kung bakit ako ay nabibighani
Sa tuwing ikaw ay napapadaan
Mga mata ko ay kumikislap agad
Korteng bote na kawatan mo
At mga ngiti mong matamis, ito ba ay sakto na
 
Sana'y mapansin at ako'y dinggin
Mga damdamin ko'y nais maparating
Ako'y nadali ng mga ngiti mo
At mala-anghel na mukha, sayo'y naakit na
Oh Maria Clara ko, sayo'y hibang na 'to
Ikaw ang kahulugan ng salitang, "Buhay ko"
Ang tanging hiling, Diyos, iyong dinggin
Ang babaeng marikit ay mapasa'kin
 
Lahat hahamakin, makuha lang ang akin
Kahit buong kalawakan, aking kukuhain
Oh aking binibibi, ikaw ang pinipili
Sa simula't huli ng aking pag-ibig
 
Ikaw ang binibini na ninanais ko
Binibining marikit na dalangin ko
Ikaw ang nagbigay ng kulay sa 'king mundo
Sana ay panghabang-buhay na ito
Ikaw ang binibini na ninanais ko
Binibining marikit na dalangin ko
Ikaw ang nagbigay ng kulay sa'king mundo
Sana ay panghabang-buhay na ito
 
Ang iyong mukha ay kabisado na
Hindi mabubura pagkat ito'y kakaiba
Oo, marami pa naman d'yang iba
Ngunit ikaw lang talaga ang nag-iisa
'Di ka man ginto pero ikaw ay mamahalin
Pagbigyan mo lang ako na ikaw ay mapasa'kin
Para bang nahulog ako sa mataas na bangin
'Di ko namalayan dahil sa iyong mga tingin
 
Hubog ng 'yong katawan ay nakakatulala
Kislap ng iyong mata'y tanawing napakaganda
'Di matatawaran kahit pa magdamagan
Ko pa 'tong titigan, 'di ko 'to pagsasawaan
Binubuhat mo ang aking pakiramdam
Ang bigat nito, ikaw ang nagpagaan
Tayo ay nag-away at nagkayamutan
Ngunit walang umawat kaya't 'yun nagkatuluyan
 
Oh aking binibibi, ikaw ang pinipili
Sa simula't huli ng aking pag-ibig
Oh aking binibibi, ikaw ang pinipili
Sa simula't huli ng aking pag-ibig
 
Ikaw ang binibini na ninanais ko
Binibining marikit na dalangin ko
Ikaw ang nagbigay ng kulay sa 'king mundo
Sana ay panghabang-buhay na ito
Ikaw ang binibini na ninanais ko
Binibining marikit na dalangin ko
Ikaw ang nagbigay ng kulay sa'king mundo
Sana ay panghabang-buhay na ito
 
Aking binibibi, ikaw ang pinipili
Sa simula't huli ng aking pag-ibig
Ikaw ay nasa panaginip lang
Ang umasang makasama ka'y para na 'kong nahihibang
Ikaw ay nasa panaginip lang
Ang umasang makasama ka'y para na 'kong nahihibang
 
Thanks!
Submitted by SLoRSLoR on Sun, 07/06/2020 - 21:35

 

Advertisements
Video
Translations of "Marikit"
Comments
Read about music throughout history