Alumni Homecoming lyrics

Filipino/Tagalog
Filipino/Tagalog
A A

Alumni Homecoming

Napatunganga nu'ng bigla kitang nakita
Pagkalipas ng mahabang panahon
Hayskul pa tayo nu'ng una kang nakilala
At tandang-tanda ko pa, noon pa ma'y sobrang lupit mo na
Hindi ko lang alam kung paano, basta biglang nagsama tayo
'Di nagtagal ay napa-ibig mo ako
 
Mula umaga, hanggang uwian natin
Laging magkasama tayong dalawa
Parang kahapon lang, nangyari sa 'kin ang lahat
Tila isang dulang medyo romantiko ang banat
Ngunit nu'ng napag-usapan, bigla na lang nagkahiyaan
Mula noon, hindi na tayo nagpansinan
 
At bakit ko ba pinabayaan
Mawala nang hindi inaasahan
Parang nasayang lang
Nawala na, wala nang nagawa
 
Panay ang plano, ngunit panay ang urong
At inabot na ng dulo ng taon
Graduation natin nu'ng biglang nag-absent partner ko
Tadhana nga naman, naging mag-partner tayo
Eksakto na ang timing, planado na ang sasabihin
Ngunit hanggang huli, wala akong nasabi
 
At bakit ko ba pinabayaan
Mawala nang hindi inaasahan
Parang nasayang lang
Nawala na, wala nang nagawa
 
Napatunganga nu'ng bigla kitang nakita
Pagkalipas ng mahabang panahon
Sobrang alam ko na ang aking sasabihin
At ako'y napailing sa ganda ng ngiti mo sa 'kin
At nang ikaw ay nilapitan, bigla na lang napaligiran
Ng 'yong mga anak mula sa pangit mong asawa
 
At bakit ko ba pinabayaan
Mawala nang hindi inaasahan
Parang nasayang lang
Nawala na, wala nang nagawa
 
Bakit ko ba pinabayaan
Mawala nang hindi inaasahan
Parang nasayang lang
Nawala na, wala nang nagawa
 
Wala nang nagawa
Wala nang nagawa
Wala nang nagawa
 
Thanks!
Submitted by Southeast Asian dudeSoutheast Asian dude on Tue, 11/05/2021 - 02:57
Last edited by SindArytiySindArytiy on Fri, 01/10/2021 - 11:48

 

Translations of "Alumni Homecoming"
Parokya ni Edgar: Top 3
Comments
Read about music throughout history