Please help to translate "Dulo Ng Hangganan"

Filipino/Tagalog
A A

Dulo Ng Hangganan

Dumating ka na sa dulo ng hangganan
Sumisigaw, nag-iisa
Sumabay ang luha sa indak ng alon
Umiiyak, nag-iisa
 
Binibigkas habang tumatakbo
Pumipiglas sa mga yakap ko
Pag-ibig ko, bakit lumalayo
Pag-ibig mo, tila naglalaho
 
Kapag makapiling ka
Hindi alam ang gagawin
I-iwas ba o titingin
Sa'yong kagandahan
Ang kislap ng iyong mata
Ay, ’di ko na nakikita
 
Umuwi sa ating sinimulang tahanan
Ngunit ngayon, wala ka na
Hindi ko sukat akalain pag-ibig mo'y nagbago
Ang nais ko'y pag-ibig mo
 
[Binibigkas habang tumatakbo
Pumipiglas sa mga yakap ko
Pag-ibig ko, bakit lumalayo
Pag-ibig mo, tila naglalaho
 
Kapag makapiling ka
Hindi alam ang gagawin
I-iwas ba o titingin
Sa ’yong kagandahan
Ang kislap ng iyong mata
Ay, 'di ko na nakikita
 
Oh-woah, oh-woah
Oh-woah, oh-woah
(Ooohh)
 
Binibigkas tanging pangalan mo
Hinahanap ang mga yakap mo
Pag-ibig ko, bakit lumalayo
Pag-ibig mo, tila naglalaho
 
Kapag makapiling ka
Hindi alam ang gagawin
I-iwas ba o titingin
Sa'yong kagandahan
Ang kislap ng iyong mata
Ay, 'di ko na nakikita
 
Oh-woah, oh-woah
Oh-woah, oh-woah
(Sumusunod sa dulo ng hangganan)
(Sumusunod sa dulo ng—)
 
English

 

Login or register to post translation
Comments