Advertisements

Sam Concepcion - Dati

Filipino/Tagalog
Filipino/Tagalog
A A

Dati

Ohh oohh yeah...
 
Sam:
Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
Naaalala ko pa noon nag-aagawan ng Nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kuwento
 
Tippy:
Lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi
Maglalaro ng tao taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang alaala
 
Both:
Ikaw ang kasama buhat noon
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon (hanggang ngayon), ooohh oh oh
 
Sam:
Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari
Tippy:
Ako yung prinsesang sagip mo palagi
Both:
Ngunit ngayo'y marami na ang nabago't nangyari
Ngunit 'di ang pagtingin na gaya pa rin ng
da-ra-ra-rat-da dati (3x)
 
Na gaya pa rin ng
 
Sam:
Dati rati ay palaging sabay na mag syesta
Tippy:
At sabay ring gigising alas kwatro 'y medya
Sam:
Ohh, sabay manonood ng paboritong programa
Tippy:
Oh kay tamis namang mabalikan ang alaala
 
Sam:
Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari
Tippy:
Ako yung prinsesang sagip mo palagi
Both:
Ngunit ngayo'y marami na ang nabago't nangyari
Ngunit 'di pagtingin na gaya pa rin ng
 
Quest (Rap):
Dati rati ay naglalaro pa ng bahay-bahayan
Gamit gamit ang mantel na tinatali sa kawayan
At pawang magkakalaban pag nagtataya-tayaan
Pero singtamis ng kendi pag nagkakasal kasalan
Diba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina
Minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina
Ang sarap sigurong balikan ang mga alaala lalo na't kung magkayakap mga bata't magkasama at
 
Both (Quest):
Parang Julio't Julia lagi tayong magkasama ('di mapaghiwalay)
Sabay tayong umiiyak kapag inaapi si Sarah
(Hindi pwede yan)
Sam:
Una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga
('Yan ang pag-ibig)
Both:
Sana mabalik pa ang dati nating pagsasama
 
Sam:
Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari
Tippy:
Ako yung prinsesang sagip mo palagi
Both:
Ngunit ngayo'y malayo ka't malabong mangyari
Sam:
Ang aking pagtingin
Tippy:
Ohh, bulong na lang sa hangin (Ibulong na lang)
Both:
Pangarap na lang din
Na gaya pa rin ng
da-ra-ra-rat-da dati(3x)
Na gaya pa rin
da-ra-ra-rat-da dati(3x)
Na gaya pa rin ng........ng dati.
 
Thanks!
thanked 1 time
Submitted by rimahimerimahime on Wed, 15/03/2017 - 12:21
Last edited by FaryFary on Sat, 26/06/2021 - 13:18

 

Translations of "Dati"
Comments
Read about music throughout history