Hallelujah (फिलिपिनो/तागालोग में अनुवाद)

Advertisements
फिलिपिनो/तागालोग में अनुवादफिलिपिनो/तागालोग
A A

Aleluya

Nalaman ko na merong isang lihim na tunog
Na tinugtog ni David at natuwa ang Panginoon
Pero wala ka namang pakialam sa musika, di ba?
Ganito ang tugtog
Sa pang-apat, panlima
Nag menor pababa tapos pataas
Nagtaka ang haring gumagawa ng kantang Aleluya
 
Aleluya, Aleluya
Aleluya, Aleluya
 
Malakas ang pananampalataya mo pero kelangan mo pang maka-seguro
Nakita mo ang babaing naliligo sa may bubong
Ang buwan at ang kanyang katawan - nabulag ka sa kanilang kagandahan
Naitali ka niya
Dyan sa upuan ng kusina
Nagawa nyang wasakin ang iyong trono't naputulan ka ng buhok
At tanging Aleluya ang sa iyo'y narinig
 
Aleluya, Aleluya
Aleluya, Aleluya
 
Be, dati na ako rito
Alam kong silid na ito, sa sahig na ito'y lumakad na ako
Nag-iisa lang ako hanggang sa nakilala kita
Nakita ko ang bina-bandera mo
Dyan arkong marmol
Ang pag-ibig ay hindi isang taghoy ng tagumpay
Ito'y isa lamang malamig at basag na aleluya
 
Aleluya, Aleluya
Aleluya, Aleluya
 
May mga panahong sabihin mo
Kung anyare dito sa buhay sa mundo
Pero di mo naman sinasabi sa akin, di ba?
Naalala ko noong
Magkaniig tayo
Naroon ang espiritu sa anyong kalapati
At sa bawat hugot ng hininga ay ang - Aleluya
 
Aleluya, Aleluya
Aleluya, Aleluya
 
Marahil ay may Diyos sa langit
Kaya lang ang natutunan ko sa pagmamahal
Ay ang unahan sila bago nila ako maisahan
At ito'y hindi isang hikbi
Na maririnig sa dilim ng gabi
Ito'y hindi ang isang nakakita ng liwanag
Ito'y isa lamang malamig at basag na aleluya
 
Aleluya, Aleluya
Aleluya, Aleluya
 
Sabi mo wala akong paggalang sa ngalan ng Diyos
Eh hindi ko nga alam ang pangalan Niya
Pero kung alam ko, eh ano naman yun sa iyo?
May isang alab ng liwanag
Sa bawat salita
Hindi na kailangan kung alin ang iyong narinig
Ang banal o ang basag na Aleluya
 
Aleluya, Aleluya
Aleluya, Aleluya
 
Ginawa ko na ang lahat, kulang pa rin
Wala akong pandama, kaya pinilit kong damhin
Sinabi ko ang totoo, Di ako narito para bilugin ang ulo niyo
At kahit na
Nagkamali-mali pa
Haharap ako sa Panginoon ng lahat ng musika
Wala kahit ano kundi ang isang - Aleluya
 
Aleluya, Aleluya
Aleluya, Aleluya
Aleluya, Aleluya
Aleluya, Aleluya
Aleluya, Aleluya
Aleluya, Aleluya
Aleluya, Aleluya
Aleluya, Aleluya
Aleluya
 
words not only bare the soul but connect peoples, cultures and societies
garviegarvie द्वारा मंगल, 23/05/2017 - 10:12 को जमा किया गया
लेखक के कमेन्ट:

The more i go into translating songs from English to Filipino -- the more i get to realize how wonderful it is to be bilingual

अंग्रेज़ीअंग्रेज़ी

Hallelujah

"Hallelujah" के अन्य अनुवाद
फिलिपिनो/तागालोग garvie
कृपया "Hallelujah" का अनुवाद करने में सहायता करें
Idioms from "Hallelujah"
कमेन्ट