Advertisement

Please translate Ikaw

फिलिपिनो/तागालोग

Ikaw

Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip isip ko
Hindi ko mahinto pintig ng puso

Ikaw ang pinangarapngarap ko
Simula ng matanto
Na balang araw iibig ang puso

Ikaw ang pagibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo’y nandito na ikaw
Ikaw ang pagibig na binigay
Sa akin ng may kapal
Biyaya ka sa buhay ko
Ligaya’t pagibig ko’y ikaw

Humihinto sa bawat oras ng tagpo
Ang pagikot ng mundo
Ngumingiti ng kusa aking puso

Pagka’t nasagot na ang tanong
Nagaalala noon
Kung may magmamahal sa'kin ng tunay

Ikaw ang pagibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo’y nandito na ikaw
Ikaw ang pagibig na binigay
Sa akin ng may kapal
Biyaya ka sa buhay ko
Ligaya’t pagibig ko’y ikaw

At hindi pa’ko umibig
Ng ganito at nasa isip
Magkasama ka habang buhay

Ikaw ang pagibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo’y nandito na ikaw
Ikaw ang pagibig na binigay
Sa akin ng may kapal
Biyaya ka sa buhay ko
Ligaya’t pagibig ko’y ikaw

(Ikaw ang pagibig na hinintay)
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo’y nandito na ikaw
Ikaw ang pagibig na binigay
Sa akin ng may kapal
Biyaya ka sa buhay ko
Ligaya’t pagibig ko’y ikaw

Pagibig ko’y ikaw

कमेन्ट