Bagani dalszöveg

Filipino/Tagalog
Filipino/Tagalog
A A

Bagani

Hubarin ang takot sa iyong damdamin,
Ipamalas ang angking galing.
Tumayong buong tapang harapin ang buhay,
Yakapin ang tagumpay.
 
Tulungan ang kapwa’t bigyang halaga,
Huwag hatakin nang pababa.
Isipin huwag sana ang sarili lang:
Pakisama’t bayanihan.
 
Subukan nating isulong at ligawan
Ang magandang bukas
Ikaw at ako magkasama tayo,
Salubungin ang kinabukasan!
 
Bagani! Ating lahi!
Mandirigmang Filipino!
Dakila ang lahi ko!
Bayaning Filipino
Sa makabagong panahon!
 
Halina’t hawakan ang aking kamay,
Sabay abutin natin ang tagumpay,
Patuloy lang tayo sa pagpapanday,
Tiwala sa Diyos ang sandata’t gabay.
 
Subukan nating isulong at ligawan
Ang magandang bukas
Ikaw at ako magkasama tayo,
Salubungin ang kinabukasan!
 
Bagani! Ating lahi!
Mandirigmang Filipino!
Dakila ang lahi ko!
Bayaning Filipino sa makabagong…
Bagani! Ating lahi!
Mandirigmang Filipino!
Dakila ang lahi ko!
Bayaning Filipino
Sa makabagong Panahon!
 
Köszönet
thanked 3 times
Kűldve: hariboneagle927hariboneagle927 Vasárnap, 31/01/2021 - 04:04
Submitter's comments:

Theme song of the 2021 Quincentennial Commemorations in the Philippines
Written and Composed by Roel Rostata
Arranged by Jungee Marcelo
Sung by Anthony Castillo and Pinopela
Produced by the National Commission for Culture and the Arts and National Historical Commission of the Philippines
Published by PhilPop, 2019

 

Hozzászólások
Read about music throughout history