"Paubaya"の翻訳を手伝ってください。

フィリピン語/タガログ語
フィリピン語/タガログ語
A A

Paubaya

Saan nagsimulang magbago ang lahat
Kailan nung ako'y 'di na naging sapat
Ba't di mo sinabi nung una pa lang
Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal
 
Saan nag kulang ang aking pagmamahal
Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang
Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na
Ako ang kasama, pero hanap mo siya
 
At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sakanya
'Wag kang paluhain
At alagaan ka niya
 
Saan natigil ang pagiging totoo
Sa tuwing mababanggit na mahal mo ako
Ba't 'di mo inamin na merong iba
Ako ang kayakap, pero isip mo siya
 
At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sakanya
'Wag kang paluhain, at alagaan ka niya
 
Ba't 'di ko naisip na merong hanggan
Ako yung nauna, pero siya ang wakas
 
At kita naman sa 'yong mga mata
Kung bakit pinili mo siya
Mahirap labanan ang tinadhana
Pinapaubaya
Pinapaubaya
Pinapaubaya ko na sa Kanya
 
中国語

 

ログインユーザー登録)して翻訳を投稿
コメント