If Only (tłumaczenie na tagalski (dialekty))

Reklamy
tłumaczenie na tagalski (dialekty)tagalski (dialekty)
A A

Kung Sana

Isang milyong kaisipan
Pakikinig ng puso'y patuloy bang hahayaan
Dahil hanggang ngayo'y sinundan naman
Walang nawawala ngunit may kakulangan
 
Hindi makapagpasya
Anong mali, anong tama
Aling daan dapat na tutungo ba?
 
Kung sana alam ko ang sinasabi ng aking puso
Hindi ko alam ang nararamdaman ko
Panaginip lamang ba ito?
Kung sana kaya kong basahin ang mga palatandaan sa harap ko
Mahahanap ko ang daan patungo sa kung sino ba dapat ako
Kung sana
Kung sana
 
Bawat hakbang, bawat salita,
Bawat oras na ako'y nahuhulog na
Sa panibagong bagay, tapang na
Sa taong kailanman naging ako'y hindi pa
 
Hindi makapagpasya
Anong mali, anong tama
Aling daan dapat na tutungo ba?
 
Kung sana alam ko ang sinasabi ng aking puso
Hindi ko alam ang nararamdaman ko
Panaginip lamang ba ito?
Kung sana kaya kong basahin ang mga palatandaan sa harap ko
Mahahanap ko ang daan patungo sa kung sino ba dapat ako
Kung sana
Oh
 
Baliw ba ako?
Baka pwede pa tayo
Ika'y makakapiling pa rin ba
Kung ang hiwaga'y ubos na?
 
Kung sana alam ko ang sinasabi ng aking puso
Hindi ko alam ang nararamdaman ko
Panaginip lamang ba ito?
Kung sana kaya kong basahin ang mga palatandaan sa harap ko
Mahahanap ko ang daan patungo sa kung sino ba dapat ako
Kung sana
Kung sana
 
I made all of my translations, unless stated otherwise.
If you do want to copy them, please give credit. Thank you.
Udostępniono przez CaizerCaizer dnia czw., 29/08/2019 - 03:02
Dodane w odpowiedzi na prośbę Ripanwarbut KhalidsaidILYRipanwarbut KhalidsaidILY
angielskiangielski

If Only

Moje komentarze