Russia is waging a disgraceful war on Ukraine.     Stand With Ukraine!

Nag-iisang Muli текст

  • Извођач: Cup of Joe
  • Преводи: енглески
филипински
филипински
A A

Nag-iisang Muli

Kay lamig ng simoy ng hangin
Mga tala'ng yumayakap sa akin
Kasabay ng aking pagpikit
Suminag ang pait, pag-asa'y 'di masilip
 
Sa gitna ng gabing kay dilim
Naghihintay mula takip-silim
'Di susuko sa pagtitiwalang
Ikaw ay makakamtan nang hindi panandalian
 
Kahit kumpiyansa'y unti-unting nawawala
'Di uubra ang hamon ng duda
 
Patuloy na aasa na ikaw ay makilala na
Ng puso kong naghihintay na makasama ka
Sa 'king buhay, hanggang sa dulo ng walang hanggan
Ikaw ang hanggan
 
Patuloy na inaasam na masilayan na kita
Babangon at lalaban at isisigaw ko kay Bathala
Ang kahilingang mahanap kita
Ang tanging hangad ng puso'y ikaw
 
Makulimlim na pagsikat ng araw
Nananaig na ang boses na bumibitaw
Bingi-bingian na naman
Pilit na tinatakpan, pusong nananawagan
 
Kay ginaw ng tanghaling tapat
Mga ginagawa'y 'di pa rin sapat
Sumagi sa 'king pag-iisip
Damdami'y kinikimkim, sa sarili'y 'di maamin
 
Patuloy na aasa na ikaw ay makilala na
Ng puso kong naghihintay na makasama ka
Sa 'king buhay, hanggang sa dulo ng walang hanggan
Ikaw ang hanggan
 
Patuloy na inaasam na masilayan na kita
Babangon at lalaban at isisigaw ko kay Bathala
Ang kahilingang mahanap kita
Ikaw ang hangad
 
Balik takip-silim, sasapit na'ng gabi
Mga bitui'y lumihis, sisikat nang muli
Araw ay sumilip, nasilaw sa dilim
Puso'y nagising, nag-iisang muli muli
 
Patuloy na aasa na ikaw ay makilala na
Ng puso kong naghihintay na makasama ka
Sa 'king buhay, hanggang sa dulo ng walang hanggan
Ikaw ang hanggan
 
Patuloy na inaasam na masilayan na kita
Babangon at lalaban at isisigaw ko kay Bathala
Ang kahilingang mahanap kita (makita ka)
 
Ang tanging hangad ng puso'y ikaw (mahanap ka, mahuli ka konti, ah-ah)
ng puso'y ikaw
(Mga bitui'y lumihis, sisikat nang muli) ng puso'y ikaw
(Araw ay sumilip, nasilaw sa dilim, puso'y nagising)
Nag-iisang muli
 
Хвала!
Поставио/ла: JustMarJustMar У: 2022-08-09

 

Преводи за "Nag-iisang Muli"
Cup of Joe: Top 3
Коментари
Read about music throughout history