Frozen (OST) - Ngayon Lang Sa Aking Buhay [For the First Time in Forever]

Реклама
филипински
A A

Ngayon Lang Sa Aking Buhay [For the First Time in Forever]

Anna: Bukas na ang bintana at pinto
'Di ko alam nagagawa pa 'yon
Aba't merong walong libong pinggan
 
Walang lamang mga kwarto
Kay tagal nang walang tao
Tarangkahan ay bubuksan na
 
Darating na ang mga tao
Baka lang manibago
At 'di na 'ko makapaghintay
 
Dahil ngayon lang sa aking buhay
May liwanag, musika
 
At ngayon lang sa aking buhay
Sasayaw nang magdamag
 
'Di alam kung kaba 'to o kabag
Pero para lang gano'n
 
Dahil ngayon lang sa aking buhay
'Di malulungkot
 
Kapag bihis na at nag-ayos
Titignan ng mga tao
Gandang 'di matiis ng sinuman
 
At meron akong makikita
Lalaki na gwapo at kay tangkad
At mapakain dahil sa kaba
 
Kami ay magkwe-kwentuhan
Na sadyang kakaiba
Sa aking nakasanayan na
 
At ngayon lang sa aking buhay
May hiwaga, may saya
At ngayon lang sa aking buhay
Mapapansin na ng iba
 
At baka imposibleng mangyari
Pag-ibig makita
Pero ngayon lang sa aking buhay
Meron nang pag-asa
 
Elsa: Itago lang at ilihim
Bilin sa 'kin, kailangan lang sundin
Pigil, kimkim, magpanggap lang
Kung 'di mabubunyag ang sikreto
 
Isang araw lang naman
Anna: Isang araw lang naman
Elsa: Sana makatagal
Anna: Hindi na makatagal
Elsa: Ang ating tarangkahan ay buksan
Anna: Buksan
 
At ngayon lang sa aking buhay
Elsa: Itago lang at ilihim
Anna: Pangarap halos hawak na
Elsa: Bilin sa 'kin, kailangan lang sundin
Anna: Baka buhay mabago ko
Elsa: Kimkim
Anna: Pag-ibig matunton
Elsa: Pigil, kimkim, magpanggap lang
Anna: Bukas lahat ay wala na
Ngayon lang may pag-asa
 
Dahil ngayon lang sa aking buhay
At ngayon lang sa aking buhay
Ay malaya na
 
Поставио/ла: CaizerCaizer У: Среда, 17/07/2019 - 16:01
Last edited by IceyIcey on Среда, 17/07/2019 - 16:06
Added in reply to request by IceyIcey
Хвала!захваљено 2 пута

 

Реклама
Видео снимак
Преводи за "Ngayon Lang Sa Aking..."
Коментари