Paolo Santos - Mapansin

филипински

Mapansin

Pakiramdam ko ay sumisigla
Kapag nakikita ang iyong ganda
 
Di ko malaman ang siyang gagawin
Magpapa~cute lang ba
O manlalambing na lang sa `yo?
 
Di mo man lang napuna
Na ako ay labis a nangangamba
Itong pag~ibig na umaasa
Nananalig sa iyo, nang mapansin ako
 
Papa'no kaya ako gagalaw
Kung bawa't kilos mo'y
Tinatanaw, tinitingnan
Dapat siguro ako ay magbantay
Sa puso mo na unti~unting
Pumapatay sa `kin
 
Ang aking kalungkutan
Hindi mahirap magawan ng paraan
Bitin ang huwag mong masubukan
Lumalapit sa iyo nang mapuna ako hoh
 
Araw at gabi
Iniisip ika'y katabi
At ginagawa ang lahat
ng mapansin mo lang
Ang aking hinahangad
 
Pakiramdam ko ay sumisigla
Kapag nakikita ang iyong ganda
Di ko malaman ang siyang gagawin
Magpapa~cute lang ba O
Manlalambing na lang sa `yo
 
Di mo man lang napuna
Na ako ay labis na nangangamba
Itong pag~ibig na umaasa
Lumalapit sa iyo nang mapuna ako
 
Nananalig sa iyo
Ng mapansin man
Lang... ako
 
Поставио/ла: killerbee0627 У: Петак, 19/03/2010 - 04:04
Last edited by Fary on Недеља, 20/08/2017 - 12:10
Хвала!

 

Коментари