Russia is waging a disgraceful war on Ukraine. Stand With Ukraine!

låttexter av Lava (Filipino)

  • Artist: Non/Disney Fandubs Medverkande artist: Mikoy Daga
  • Översättningar: engelska
Filipino/Tagalog
Filipino/Tagalog
A A

Lava (Filipino)

Noong unang panahon
May isang bulkan doon
Siya'y nag-iisa
Sa gitna ng dagat
 
Nakaupo't pinagmamasdan
Ang mga nasusuyuan
Dalangin niya'y
Mahanap din ang sinta
 
Lagi niyang binubuga
Ang awit ng pag-asa
Kahit magdamagan pa
Tuloy sa pagkanta
 
Ako'y may hiling
Sana magkatotoo
Na siya'y makapiling
At makasama niya 'ko
 
Sana ang lupa, dagat at
Langit at kaitaasan
Hayaan kaming
Magmahalan1
 
Dumaan ang ilang taon
Pangarap niya'y naging bato
At ngayo'y malapit na
Ang kanyang paglaho
 
And hindi niya alam
Sa kailaliman
May isang munting bulkang
Dinig ang pag-awit niya
 
Sa tuwing pinakikinggan
Init ang naramdaman
Sabit nadama niyang
Siya ang inaawitan
 
Nang siya ay aahon na
Mula sa kailaliman
Huli nang mapapakinggan
Ang awit ng pag-asa
 
Ako'y may hiling
Sana magkatotoo
Na siya'y makapiling
At makasama niya 'ko
 
Sana ang lupa, dagat at
Langit at kaitaasan
Hayaan kaming
Magmahalan
 
Mula sa dagat umahon ang
Isang kaaya-ayang bulkan
Tila ba hinahanap ang
Umaawit sa kanya
 
Nais na kabilang bulkan
Ipadamang May kasama siya
Ngunit ang pag-awit ay
Hindi na niya magawa
 
Bumuhos ang kaniyang luha
Pangarap niya'y nalunod na
Ngunit sa awit niya
Aahon ang pag-asa
 
Ako'y may hiling
Sana magkatotoo
Na siya'y makapiling
At makasama niya 'ko
 
Sana ang lupa, dagat at
Langit at kaitaasan
Hayaan kaming
Magmahalan
 
Napakasaya nila sapagkat nagkita na
Ang bawat nadarama'y
Mas lalong iinit pa
Kailanma'y nagkasama na
 
Tahanan ay laging aloha
At sa iyong pagbista
Ito ang awit nila
 
Ako'y may hiling
Sana magkatotoo
Na siya'y makapiling
Hanggang sa matanda ko
 
Salamat sa lupa, dagat at
Langit sa biyaya
Ikaw ang minamahal ko
Ikaw ang minamahal ko
Ikaw ang minamahal ko
 
  • 1. A pun between the English word 'magma' and the Tagalog word 'magamahalan' meaning to love
Tack!
tackad 1 gång
Inskickad av Sumisilaw_Sa_Mata_KoSumisilaw_Sa_Mata_Ko Tis, 18/01/2022 - 01:23
Senast ändrad av Sumisilaw_Sa_Mata_KoSumisilaw_Sa_Mata_Ko Ons, 19/01/2022 - 04:58
Added in reply to request by Chaeu LimChaeu Lim

 

Kommentarer
Read about music throughout history