✕
Filipino/Tagalog
Terjemahan
Asli
Akin
Klik untuk melihat lirik asli (English)
Oh, oh-oh, oh-oh
Oh, oh-oh, oh-oh
Nasa kolehiyo ka at nagtatrabaho nang part-time, bilang waiter
Nilisan ang munting bayan,hindi na bumalik
May pagdududa at takot na mapaibig,
Napapaisip kung bakit pa kailangang mag-abala sa pag-ibig kung hindi rin naman nagtatagal
Sabi ko, "Mapapaniwalaan mo ba?"
Habang nasa sopa,
Ang sandaling naaaninag ko,
Oo, oo, naaninag ko na!
Naaalala mo ba noong nakaupo tayo sa tabi ng dalampasigan?
Sa unang pagkakataon, ay niyakap mo ako
Ginawa mong rebelde ang maingat anak ng isang pabayang ama
Ikaw ang pinakamagandang bagay na naging akin
Kalaunan at magkasama nating hinaharap ang mundo
At may drawer ng mga gamit ko sa iyong bahay
Natuklasan mo ang mga lihim ko at nalaman mo kung bakit ako maingat
Ang sabi mo ay hindi natin uulitin ang pagkakamali ng mga magulang ko
Pero may mga bayaring kailangang bayaran
Wala pa tayong naisasayos
At kapag nahihirapan tayo,
Oo, oo, ito ang iniisip ko!
Naaalala mo ba noong nakaupo tayo sa tabi ng dalampasigan?
Sa unang pagkakataon, ay niyakap mo ako
Ginawa mong rebelde ang maingat anak ng isang pabayang ama
Ikaw ang pinakamagandang bagay na naging akin
Naaalala mo ba ang kinang ng mga gusali sa tubig?
Nasaksihan mo akong maniwala sa unang pahkakataon
Ginawa mong rebelde ang maingat na anak ng isang pabayang ama
Ikaw ang pinakamagandang bagay na naging akin
At naaalala ko ang away nating iyon, alas dos nang madaling araw,
Dahil hindi na natin nakokontrol ang lahat
Tumakbo ako palabas, umiiyak, at sinundan mo ako sa kalsada
Inihanda ko na ang sarili kong mamaalan
Dahil iyon lang naman ang alam kong gawin
At ginulat mo ako,
Sinabi mong, "Hinding-hindi kita iiwang mag-isa."
Ang sabi mo, "Naaalala ko ang nararamdaman natin noong nakaupo tayp sa tabi ng dalampasigan
At sa tuwing titingnan kita ay parang unang beses pa lang
Napaibig ako sa maingat na anak ng isang pabayang ama
Siya ang pinakamagandang bagay na naging akin!"
Kapit lang, hayaang magtagal
Kapit lang, huwag nang lumingon pa
Ginawa mong rebelde ang maingat na anak ng isang pabayang ama
Ikaw ang pinakamagandang bagay na naging akin
(Kapit lang...)
Maniniwala ka ba?
(Kapit lang...)
Kakayanin natin
(Kapit lang...)
Nakikita ko
Nakikita ko na
| Terima Kasih! ❤ diucapkan terima kasih 3 kali |
| You can thank submitter by pressing this button |
Thanks Details:
Tamu berterima kasih 3 kali
Dikumpulkan oleh
Carlo0699 pada hari 2023-11-07
Subtitel dibuat oleh
florazina pada Sen, 13/10/2025 - 02:06
florazina pada Sen, 13/10/2025 - 02:06English
Asli
Mine
Klik untuk melihat lirik asli (English)
Play video with subtitles
| Terima Kasih! ❤ |
| You can thank the subtitles submitter by pressing this button |
✕
Play video with subtitles
| Terima Kasih! ❤ |
| You can thank the subtitles submitter by pressing this button |
Terjemahan untuk "Mine"
Filipino/Tagalog
Komentar
Russia is waging a disgraceful war on Ukraine. Stand With Ukraine!