• Lea Salonga

    Someone Like You → Filipino/Tagalog translation→ Filipino/Tagalog

Favorites
Share
Font Size
Translation
Swap languages

Isang Katulad Mo

Sa aking pagdungaw sa bintana, tanaw ko ang daloy ng buhay
Nangarap sa bukas nang may pagtataka
Kung bakit pigil pa rin ako ng nakaraan
Buhay ay timitigil, naiwan na ng panahon
Gustong lumipad, balot ng takot
 
Ngunit kung isang katulad mo
Ay dumating dito sa akin
Mag-iiba ang lahat, puso ko'y mananaig
Sasaya, mabubuhay kung ika'y darating
 
Mga lihim sa puso kong nakapinid
naghihintay na isang taong darating
upang makita ang isang bagong daigdig
muling buksan ang puso
lumaya at upang makalayo
 
Kung ika'y darating at matagpuan ako
Magbabago ang lahat ng ito
Sa paghihintay ng bagong pagmamahal
Kung isang tulad mo ay darating
Matatagpuan mo ako, ang lahat magbabago
Puso'y syang maghahari at mabubuhay muli
Kung ang tulad mo'y magmamahal sa akin
 
Original lyrics

Someone Like You

Click to see the original lyrics (English)

Lea Salonga: Top 3
Idioms from "Someone Like You"
Comments