• Taylor Swift

    Filipino/Tagalog translation

Share
Subtitles
Font Size
Filipino/Tagalog
Translation

Nabighani

Heto na naman ako ngayong gabi,
Pinipilit ang pagtawa, pinepeke ang pagngiti;
Parehong luma, nakababagot, at malungkot na lugar.
 
Ang mga haligi ng kawalan ng katapatan,
lumiligid na mga mata, at puwang sa kalooban,
ay nawala nang makita ko ang iyong mukha
 
Ang masasabi ko lang ay nakabibighaning makilala ka.
 
(Tila) Bumulong ang iyong mga mata, "Nagkakilala na ba tayo?"
Sa kabilang dako ng kuwarto, ang iyong anyo
ay nagsimulang lumapit sa akin.
 
Nagsimula ang mapaglarong usapan,
sumasagot sa lahat ng iyong mabibilis na pahayag
gaya ng palihim na pagpapasa-pasahan ng mga sulat.
 
At nakabibighaning makilala ka.
Ang masasabi ko lang ay nabighani ako nang makilala ka.
 
Ang gabing ito ay nagniningning, huwag mo itong kalilimutan.
Ako'y namangha, namumula hanggang sa pag-uwi.
Habang-buhay kong iisipin kung alam mong
nabighani ako nang makilala ka.
 
Hindi ako pinatulog ng umaaligid na katanungan,
Alas dos ng madaling araw, sino ba ang mahal mo?
Nag-iisip ako hanggang sa aking paggising.
 
Ngayon, naglalakad nang pabalik-balik,
hinahangad na sana ay nasa pintuan ka.
Pagbubuksan kita at sasabihin mong, "Huy,
 
Nakabibighaning makilala ka.
Ang tanging alam ko ay nabighani ako nang makilala ka."
 
Ang gabing ito ay nagniningning, huwag mo itong kalilimutan.
Ako'y namangha, namumula ang pisngi hanggang sa pag-uwi.
Habang-buhay kong iisipin kung alam mo.
Ang gabing ito ay walang kapintasan, huwag mo itong kalilimutan.
Ako'y namangha, mag-isang sumasayaw.
Habang-buhay kong iisipin kung alam mong
nabighani ako nang makilala ka.
 
Heto ako at nagdarasal na
ito ang pinakaunang pahina,
hindi kung saan nagwawakas ang kuwento.
Aalingawngawin ng isip ko ang ngalan mo
hanggang sa magkita tayong muli.
Ito ang mga salitang hindi ko nasambit
dahil umalis ako agad,
"Nabighani ako nang makilala ka."
 
Sana ay hindi ka mapaibig sa iba.
Sana ay walang ibang naghihintay sa iyo.
Sana ay hindi ka mapaibig sa iba.
Sana ay walang ibang naghihintay sa iyo.
 
Ang gabing ito ay nagniningning, huwag mo itong kalilimutan.
Ako'y namangha, namumula ang pisngi hanggang sa pag-uwi.
Habang-buhay kong iisipin kung alam mo.
Ang gabing ito ay walang kapintasan, huwag mo itong kalilimutan.
Ako'y namangha, mag-isang sumasayaw.
Habang-buhay kong iisipin kung alam mong
nabighani ako nang makilala ka.
 
Sana ay hindi ka mapaibig sa iba.
Sana ay walang ibang naghihintay sa iyo.
 
English
Original lyrics

Enchanted

Click to see the original lyrics (English)

Play video with subtitles
Play video with subtitles

Translations of covers

Comments