Russia is waging a disgraceful war on Ukraine.     Stand With Ukraine!

Fireflies (Filipino/Tagalog translation)

Filipino/Tagalog translationFilipino/Tagalog
/English
A A

Alitaptap

Hindi mo paniniwalaan ang mga mata mo
Kung sampung milyong alitaptap
Ay inilawan ang mundo sa pagtulog ko
 
Kasi pupunuin nila ang kapaligiran
At mag-iiwan ng patak ng luha kahit saan
Aakalain mong bastos ako
Pero tatayo lang ako at tititigan ko
 
Nais kong paniwalain ang sarili kong
Mabagal umikot ang daigdig
Mahirap sabihing mas gugustuhin kong maging
Gising kung tulog ako
Kasi kailanman hindi naging tulad ng akala ang lahat
 
Kasi makakatanggap ako ng isang libong yakap
Mula sa sampung libong alitaptap
Habang sinubukan nilang turuan ako kung paano sumayaw
 
Isang fox trot sa ibabaw ng ulo ko
Isang sock hop sa ilalim ng kama ko
Isang disco ball na nakabitin sa iisang sinulid
 
Nais kong paniwalain ang sarili kong
Mabagal umikot ang daigdig
Mahirap sabihing mas gugustuhin kong maging
Gising kung tulog ako
Kasi kailanman hindi naging tulad ng akala ang lahat
Kapag nakatulog ako
 
Iwang nakabukas ng kaunti ang pintuan ko
(Kunin na ninyo ako mula rito)
Kasi pakiramdam kong insomniac talaga ako
(Kunin na ninyo ako mula rito)
Bakit napapagod na akong magbilang ng tupa
(Kunin na ninyo ako mula rito)
Kung masyado na akong pagod para makatulog
 
Sa sampung milyong alitaptap
Kakaiba ako kasi ayaw ko sa mga pagpapaalam
Nabasa ang mga mata ko sa pagpaalam nila
 
Pero alam ko kung nasaan ang ilan
Kung maging napaka-kakaiba ang mga panaginip ko
Kasi nakapag-tabi ako ng kaunti at inilagay ko sa isang garapon
 
Nais kong paniwalain ang sarili kong
Mabagal umikot ang daigdig
Mahirap sabihing mas gugustuhin kong maging
Gising kung tulog ako
Kasi kailanman hindi naging tulad ng akala ang lahat
Kapag nakatulog ako
 
Nais kong paniwalain ang sarili kong
Mabagal umikot ang daigdig
Mahirap sabihing mas gugustuhin kong maging
Gising kung tulog ako
Kasi kailanman hindi naging tulad ng akala ang lahat
Kapag nakatulog ako
 
Nais kong paniwalain ang sarili kong
Mabagal umikot ang daigdig
Mahirap sabihing mas gugustuhin kong maging
Gising kung tulog ako
Kasi umaapaw sa tinahian ang mga panaginip ko
 
Thanks!
Submitted by bishrexiabishrexia on 2022-09-28
Added in reply to request by IuventiusIuventius
English
English
English

Fireflies

Comments
Read about music throughout history