✕
(Naaalala Kong) Lahat Nang Maigi
Click to see the original lyrics (English)
Lumakad ako sa pintuan kasama mo, malamig ang hangin
Ngunit may kung ano doon ang nagbigay ng pakiramdam ng tahanan
At naiwan ko ang aking balabal sa bahay ng iyong ate/(kapatid na babae)
At nasa drawer mo pa rin ito, hanggang ngayon
Oh, ang iyong matamis na disposisyon at ang aking mga malawak na tingin
Umaawit tayo sa loob ng kotse, naliligaw ang isip
Ang mga dahon ng taglagas ay nahuhulog bawat piraso sa kani-kanila nitong lugar
At nailalarawan ko pa rin ito (sa aking isip) sa tinagal ng panahon
At alam kong matagal na ito
At ala nang mahika (sa puso/sa pag-ibig)
At maaaring maayos lang ako,
Ngunit hindi mabuti (ang kalagayan ko)
Dahil heto na naman tayo sa mumunting eskinita
Muntikan mo nang patakbuhin (ang iyong sasakyan) habang nakapula (ang mga ilaw) dahil nakatingin ka sa akin
Hangin sa aking buhok, naroon ako, naaalala kong lahat nang maigi
Album ng mga larawan sa mesa, ang iyong mga pisngi ay namumula
Dati ay ikaw iyong batang nakasalamin sa isang twin-sized na kama
At ang iyong ina'y nagku-kwento tungkol sa iyo sa inyong tee-ball team
Binabanggit mo ang iyong nakaraan, sa pag-aakalang ako ang iyong magiging hinaharap
At alam kong matagal na ito
At wala na akong iba pang magagawa
At matagal na rin naman kitang nakalimutan
Para kalimutan kung bakit kinakailangan (ko pang alalahanin ka)
Dahil heto na naman tayo sa kalagitnaan ng gabi
Sumasayaw sa kusina sa liwanag ng ref
Sa pinagbuhatan ng hagdan, naroon ako, naaalala kong lahat nang maigi, yeah
Siguro ay hindi tayo nagkaunawaan, siguro ay lubos akong naghangad
Ngunit marahil ang bagay na ito'y isang obra maestra hanggang sa sinira mo itong lahat
Takot na tumatakbo, naroon ako, naaalala kong lahat nang maigi
At tinawagan mo akong muli para lang pakuin ako gaya ng isang pangako
Pakunwaring pagmamalupit sa ngalan ng pagpapakatotoo
Ako'y tila nilamukos na papel (sa sahig)
Dahil naaalala kong lahat, lahat, lahat nang maigi
Hindi umuusad ang oras, tila ako ay pinaralisa nito
Nais kong bumalik muli sa dati kong sarili, ngunit sinusubukan ko pang hanapin ito
Matapos ang mga araw na suot ang mga plaid na shirt at mga gabing ginawa mo akong iyo
Ngayon ay ipinapadala mong pabalik sa akin ang aking mga gamit at mag-isa akong naglalakad pauwi
Ngunit itinabi mo ang aking lumang balabal mula sa unang linggo (ng ating pagkakasama/pagkikita)
Dahil pinapaalala nito ang kawalan ko ng muwang at dahil kaamoy ko ito
Hindi mo ito maitapon dahil naaalala mong lahat nang maigi, yeah
Dahil heto na naman tayo nang mahalin kita nang lubos
Noong bago mo pa mawala ang nag-iisang tunay na kilala mo
Bihira iyon, naroon ako, naaalala kong lahat nang maigi
Hangin sa aking buhok, naroon ka, naaalala mong lahat iyon
Sa pinagbuhatan ng hagdan, naroon ka, naaalala mong lahat iyon
Bihira iyon, naroon ako, naaalala kong lahat nang maigi
| Thanks! ❤ thanked 4 times |
| You can thank submitter by pressing this button |
Thanks Details:
Guests thanked 4 times
Submitted by
Carlo0699 on 2024-10-18
Subtitles created by
florazina on Sun, 23/02/2025 - 03:58
florazina on Sun, 23/02/2025 - 03:58English
Original lyrics
All Too Well
Click to see the original lyrics (English)
Play video with subtitles
| Thanks! ❤ thanked 2 times |
| You can thank the subtitles submitter by pressing this button |
Thanks Details:
Guests thanked 2 times
✕
Play video with subtitles
| Thanks! ❤ thanked 2 times |
| You can thank the subtitles submitter by pressing this button |
Thanks Details:
Guests thanked 2 times
Translations of "All Too Well"
Filipino/Tagalog #1, #2
Comments
Russia is waging a disgraceful war on Ukraine. Stand With Ukraine!
Most figures of speech are translated in the most literal, yet understandable way. Most sentences in English were fragments and are parenthesized in the Tagalog translation.
This is not a version to be sung with.