• Asin

    Masdan Mo Ang Kapaligiran • Asin

Share
Font size
Original lyrics

Masdan Mo Ang Kapaligiran lyrics

Wala ka bang napapansin
Sa iyong mga kapaligiran?
'Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin
 
Hindi na masama ang pag-unlad
At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim
 
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit, 'wag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man
Sariwang hangin sa langit natin matitikman
 
Mayro'n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
 
Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman?
May mga puno pa kaya silang aakyatin?
May mga ilog pa kayang lalanguyan?
 
Bakit 'di natin pag-isipan
Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi nga masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan
 
Darating ang panahon
Mga ibong gala ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang nga punong dati ay kay tatag
Ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan
 
Lahat ng bagay na narito sa lupa
Biyayang galing sa Diyos kahit noong ika'y wala pa
Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
'Pagkat 'pag kanyang binawi, tayo'y mawawala na
 
Mayro'n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
 

 

Translations of "Masdan Mo Ang ..."
English #1, #2
Asin: Top 3
Collections with "Masdan Mo Ang ..."
Comments
SaintMarkSaintMark    Sun, 28/08/2016 - 08:46

i think this song is double. it sounds just like the one right above