• Arthur Nery

    Binhi • Letters Never Sent (2019)

Favorites
Share
Font Size
Original

Binhi lyrics

'Di ko na nadiligan, ang binhi ng iyong pagmamahal
Ayoko nang sapilitang ibuhos ang lahat ng dinadamdam
Ang tangi kong hiling ay mahawakan
Ang iyong mga kamay at daliri habang
Dahan-dahang haplusin ng mga salita
Ang puso mong sabik mayakap 'pag nag-iisa
 
Kaya tahan na
Sumandal ka
Hayaan mo na aking paglaruan
Apoy ng 'yong labi o paraluman
 
Binibining natutulog
Sa ilalim ng aking mga bulaklak
'Di mababaon sa limot ang
Ligayang hatid ng 'yong halimuyak
 
Alak lamang ang pamunas sa natira
Mong alaalang 'di kumupas
At kahit na, ipilit ko mang ibalik pa ang dati
Tayo'y mawawala pa rin
 
Kaya tahan na
Sumandal ka
Hayaan mo na aking paglaruan
Apoy ng 'yong labi o paraluman
 
Ilang araw nang nakahiga
Tuluyan na nga bang ako'y 'yong nilisan
Kahit saglit pwede bang mahawakan
 
'Di na kailangang lumayo
Halika sa akin
'Di na muling mabibigo
Ako ay yakapin
 
Kaya tahan na
Sumandal ka
Hayaan mo na aking paglaruan
Apoy ng 'yong labi o paraluman
Ilang araw nang nakahiga
Tuluyan na nga bang ako'y iyong nilisan
Kahit saglit pwede bang mahawakan
 

 

Arthur Nery: Top 3
Comments