• Freddie Aguilar

    Magdalena • Magdalena (1983)2 translations

Share
Font Size
Original lyrics
2 translations

Magdalena lyrics

Tingin sa iyo'y isang putik, larawan mo'y nilalait
Magdalena ikaw ay 'di maintindihan
Ika'y isang kapuspalad, bigo ka pa sa pag-ibig
'Di ka nag-aral, 'pagkat walang pera
 
REFRAIN
Kaya ika'y namasukan, doon sa Mabini napadpad
Mula noon, binansagang kalapating mababa ang lipad
 
Hindi mo man ito nais, ika'y walang magagawa
'Pagkat kailangan mong mabuhay sa mundo
Tinitiis mo ang lahat, kay hirap ng kalagayan
Ang pangarap mo, maahon sa hirap
 
[Repeat REFRAIN]
 
CHORUS
Magdalena, ikaw ay sawimpalad
Kailan ka nila maiintindihan
Magdalena, ikaw ay sawimpalad
Kailan ka nila maiintindihan
Magdalena, Magdalena
 
Ibig mo nang magbago at mamuhay na nang tahimik
Ngunit ang mundo'y sadyang napakalupit
Hanggang kailan maghihintay, hanggang kailan magtitiis
Ang dalangin mo, kailan maririnig
 
[Repeat CHORUS]
 

 

Translations of "Magdalena"
Freddie Aguilar : Top 3
Idioms from "Magdalena"
Comments