• K-Pop Demon Hunters (OST)

    What It Sounds Like (Filipino)

Share
Font Size
Filipino/Tagalog
Filipino/Tagalog
Ang katotohanan tunay na ako ang pagmasdan
Bakas na itinago, pilit iniwasan 'di naunawaang nagdaan
Itinatwa pa at nilabanan, puso't isipan, pinahirapan
Hindi nagtapat at hindi nagtiwala, nagtago, kayo'y iniwan
 
Nasugat at nadurog,'di na mababawi pa
Ngunit ang lamat may naiwang markang kay ganda
Niyakap, inangkin liwanag at dilim
Ngayon ang tinig ay himig na siyang tunay
 
Bakit pinigil ang hiyaw noon ng isipan?
Binuhos ang liwanag sa dalang kadiliman
Buksan ang damdamin, tinig na nilihim
Hanap na awitin, himig na siyang tunay!
 
Hindi na tatahimik, uusad, lalaban!
'Di na iisiping nag-iisa!
Bulong ng kadiliman, inilayo'ng kaibigan
Ngunit eto pa rin at nagtagpo!
 
Saglit natakot, nanlinlang tayo
Hindi perpekto, ngunit natuto
Nangarap, lumaban, ngayon may sumpaan
Apoy man kalaban ay kailan man 'di iiwan!
 
Nasugat at nadurog,'di na mababawi pa
Ngunit ang lamat may naiwang markang kay ganda
Niyakap, inangkin liwanag at dilim
Ngayon ang tinig ay himig na siyang tunay!
 
Bakit pinigil ang hiyaw noon ng isipan?
Ibinuhos ang liwanag sa dalang kadiliman
Buksan ang damdamin, tinig na nilihim
Tapang na 'yong angkin, himig na siyang tunay!
 
(Himig na siyang tunay!)

Katotohanan lang, tinig pinag-isa
Ang ilaw sa dilim, himig na siyang tunay!
 
Comments