✕
Filipino/Tagalog
Vertaling
Origineel
21
Klik om de originele tekst te zien. (Engels)
Nakaligtaan ko ang ika-21 kaarawan mo
Nasa bahay ako magdamag na gising
Muntik na kitang tawagan, hindi ko alam kung dapat
Ayaw kong isipin kang medyo-lasing at nagsasaya
Ayaw kong isiping pumunta ka nang hindi ako kasama
Pasensya na kung sinisisi mo ako, gano'n din naman ang gagawin ko kung ako ang nasa lugar mo
Akala ko kasi ay makikita mo 'tong parating, pero hindi mo kinaya
Wala pa rin akong balita mula sa pamilya mo
Sabi mo pa namang gustong-gusto sa'kin ng nanay mo
Minsan nanlalabo ang mga mata ko
Mag-uusap tayo nang kaunti at bigla mong sasabihing nag-uumapaw ang damdamin mo
Nakasindi ang mga ilaw na itim at puti, 'di ako pwedeng nandito habang-buhay
May nakikita ako sa mga mata mo at tikom ang bibig ko
Ikaw na sana ang mahal ko sa buhay noong bata pa ako
Sa pagtatapos ng gabi
Huwag mo na akong tatawagan, nakalimot na ako
Minsan talaga ay nalulumbay ako at mamimis kita bigla
Mahalin mo na lang ako nang lubusan sa loob ng isipan mo
Sa pagtatapos ng gabi
Huwag mo na akong tatawagan, nakalimot na ako
Sabi ni Audrey na nakita ka raw niya lampas hatinggabi
Dahil hindi ka nasasaktan ay hindi ibig sabihing hindi ko 'to pinagdadaanan
Kung tatlumpung taong gulang na ako at ganito pa rin 'to
Hihingi ako ng tawad sa'yo dahil pagkakamali ang nagawa ko
"Pasensya na"
Minsan nanlalabo ang mga mata ko
Mag-uusap tayo nang kaunti at bigla mong sasabihing nag-uumapaw ang damdamin mo
Nakasindi ang mga ilaw na itim at puti, 'di ako pwedeng nandito habang-buhay
May nakikita ako sa mga mata mo at tikom ang bibig ko
Ikaw na sana ang mahal ko sa buhay noong bata pa ako
Sa pagtatapos ng gabi
Huwag mo na akong tatawagan, nakalimot na ako
Minsan talaga ay nalulumbay ako at mamimis kita bigla
Mahalin mo na lang ako nang lubusan sa loob ng isipan mo
Sa pagtatapos ng gabi
Huwag mo na akong tatawagan, nakalimot na ako
poëtisch
| bedankt! ❤ |
| Je kunt de indiener bedanken met deze knop. |
Dit is een poëtische vertaling - er zijn afwijkingen van de betekenis van het origineel (extra woorden, extra of weggelaten informatie, vervangende begrippen).
Ingediend door
Albert Daniel Nessia op 2020-07-31
Albert Daniel Nessia op 2020-07-31Subtitles created by
ivycone on Di, 01/07/2025 - 13:27
ivycone on Di, 01/07/2025 - 13:27✕
Gegeven reacties
- login of registreer om te reageren