• AlyxZiel

    Hikaru Nara

Favorites
Share
Font Size
Original

Hikaru Nara lyrics

Natapos na nga itong ulan - bahaghari ay iyong pagmasdan
Makulay ang kapaligiran
Ang araw na 'yon kung saan ika'y aking nakita
Sa iyo ako'y nahulog na
 
Bawat segundo saking isipan
Tila larawang 'di kukupas kailanman
Ito ngayon ay itatago
sa aking puso
 
Tanging ikaw - oh tanging ikaw
Ang siyang nagturo sa'kin
Mayroong liwanag sa dilim
Puno ang langit ng bituin
 
'Wag mong itago ang nadarama
sa tuwing ika'y nalulumbay
Bawat bituing nasa kalangita'y
Magniningning para sa'yo
 
Hindi nakatulog kagabi - ang araw sa akin ay bumati
Nakakasilaw na sandali
Sakit ng ulo ay nawala nang ika'y nakita
At ngayon nasisilaw na
 
Isang tahimik na Romantiko
Parang asukal, tinutunaw mo ako
Sa tuwing naririnig 'yong himig
May'rong pag-ibig
 
Tanging ikaw - oh tanging ikaw
Siyang nagbigay ng ngiti
Kahit ang luha ay magniningning
Mga nahulog na bituin
 
Kahit ikaw ay nasasaktan na
Huwag ka nang bibitaw pa
Puno ang langit ng kahilingan
Ang bukas ay darating pa
 
Ang liwanag na nakita ko ay ikaw - tanging ikaw
Tila ba ako'y hinila't hinabol kita
Dumating na rin - puntong tayo'y nagkilala
Kaya oras nang tayo ay magliwanag na
 
Tanging ikaw - oh tanging ikaw
Ang siyang nagturo sakin
mayroong liwanag sa dilim---
 
Tanging ikaw - oh tanging ikaw
Ang siyang nagturo sakin
Mayroong liwanag sa dilim
Puno ang langit ng bituin
 
Wag mong itago ang nadarama
sa tuwing ika'y nalulumbay
Bawat bituin sa kalangita'y
Magniningning para sa'yo
 
Ang sagot ba'y laging nagkakataon lang? Kinailangan?
Ang daang pinili nati'y guhit na ng tadhana
Ang hiling ng bawat isa'y natupad na -
Sama-sama nating harapin ang bukas sa ilalim ng mga tala
 

 

AlyxZiel: Top 3
Comments