• Asin

    Ang Mahalaga

Share
Font Size
Filipino/Tagalog
Filipino/Tagalog
Payapa, ‘di lang tahimik
Panatag, ‘di lang kalmante
Bawat umaga, may pag-asa
 
Pagkain, ‘Pag nagugutom
May lupa na mabubungkal
At pagtatamnan ng mga pangarap
 
Ito ang mahalaga,
Ito ang mahalaga.
 
Tahanan, Hindi lang bahay
Pamilya na nagkakaisa magkakasama
sa hirap at ginhawa
 
Trabaho na sigurado
Sagana pero ‘di labis-labis, Sapat ang kita,
sa araw-araw
 
Ito ang mahalaga,
Ito ang mahalaga.
 
Tunay na pagmamahal, taos na pagbibigay
Di maghihintay ng balik
Iisa ang salita, tapat sa pangako
ito ang mahalaga, ito ang totoo
 
tahanan hindi lang bahay
pamilya na nagkakaisa, magkakasama,
sa hirap at ginhawa
 
trabaho na sigurado
may lupa na mabubungkal, at pagtatamnan,
ng mga pangarap
 
ito ang mahalaga
ito ang mahalaga
 
opo, totoo
opo, totoo
 

 

Translations

Comments