Brian Vee - Tapos Na

Advertisements
Filipino/Tagalog

Tapos Na

Tapos na.
 
Hindi mo na kailangan pang lumaban
dahil sa totoo lang
huli na ang lahat.
 
Kapatid, nagkakamali ka kung iniisip mong
may pag-asa
sa puso mong
nilikha ng pagdududa
 
Huwag mo nang hayaang manaig ang
pag-ibig, dahil kasinungalingan lamang yun.
 
Higit ang kasamaan kaysa sa kabutihan ng
puso. Kayat ibasura mo na ang paniniwalang
ang Diyos ay may
plano para sa mundo. Dahil alam nating
ikaw ang isa sa kanyang pinakamatinding
pagkakamali
na ang mga panlalait ng kaaway ay
tunay
na mas dapat pakinggan.
 
Tandaang ang mga sinasabi ng Diyos ay ang balita
na puro lamang kabulaanan.
Huwag kang maniwala sa salita
dahil ang mundo ay may ibang mensahe.
 
Totoo ang sinasabi nila.
Hindi
ka niya
mahal.
Maniwala ka
sa mundo.
 
Huwag mong hayaang mabulag ka
sa kasinungalingan.
Kaibigan, hindi ka nabubuhay
dahil sa pag-ibig.
Ang lahat ng mayroon ka ngayon ay
bunga lamang ng iyong mga desisyon.
 
Hindi totoong ang tagumpay mo ay
dahil sa sakripisyo niya,
dahil sa mga sugat niya,
dahil sa paghihirap niya.
Tapos na ang usapan.
Huwag na nating lokohin ang mga sarili natin.
 
Ito ang mga pinaglalaban ko dati pero
biglang bumaligtad ang lahat
nang maintindihan ko ito.
 
Namatay at nabuhay siya
para sakin.
 
(Reversed)
 
Para sakin
namatay at nabuhay siya.
 
Nang maintindihan ko ito
biglang bumaligtad ang lahat.
 
Ito ang mga pinaglalaban ko dati pero
huwag na nating lokohin ang mga sarili natin.
Tapos na ang usapan.
 
Dahil sa paghihirap niya.
dahil sa mga sugat niya,
dahil sa sakripisyo niya.
 
Hindi totoong ang tagumpay mo ay
bunga lamang ng iyong mga desisyon.
Ang lahat ng mayroon ka ngayon ay
dahil sa pag-ibig.
 
Kaibigan, hindi ka nabubuhay
sa kasinungalingan.
Huwag mong hayaang mabulag ka.
 
Sa mundo,
maniwala ka
 
Mahal
ka niya.
Hindi
totoo ang sinasabi nila.
 
Dahil ang mundo ay may ibang mensahe.
Huwag kang maniwala sa salita
na puro lamang kabulaanan.
Tandaang ang mga sinasabi ng Diyos ay ang balita
na mas dapat pakinggan.
 
Tunay
na ang mga panlalait ng kaaway ay
pagkakamali.
 
Ikaw ang isa sa kanyang pinakamatinding
plano para sa mundo. Dahil alam nating
ang Diyos ay may
puso. Kayat ibasura mo na ang paniniwalang
higit ang kasamaan kaysa sa kabutihan ng
pag-ibig, dahil kasinungalingan lamang yun.
 
Huwag mo nang hayaang manaig ang
nilikha ng pagdududa
sa puso mong
may pag-asa.
 
Kapatid, nagkakamali ka kung iniisip mong
huli na ang lahat.
dahil sa totoo lang
hindi mo na kailangan pang lumaban.
 
Tapos na.
 
Submitted by krystalla.view on Sat, 27/05/2017 - 17:39
Thanks!thanked 5 times

 

Advertisements
Video
Translations of "Tapos Na"
Comments