• Chrstn

    Paksa

Share
Font Size
Filipino/Tagalog
Filipino/Tagalog
'Di ko inakalang napasubok mo
Ang pusong sumugal sa taong tulad mo
Oh tila tala makapiling ka na sana (makapiling ka)
Ikaw ang pinapantasya sa bawat kanta
 
Daliri ko'y 'di ko na madama
Ang mga liriko ay nagkakatugma
Sa 'king isang daang tula
Parang isang pelikula
Na tanging ikaw lamang ang paksa
 
Oh tinuturi kong
Oh ang itinuturing akin
Pinipili
Ikaw ang tanging
Simulang hindi magwawakas
 
Oh tinuturi ko
Oh ang itinuturing akin
Ituturing sa paraan na
Walang ibang makakaranas
 
(Akin, akin lang)
Akin na lang
Ang nag-iisa
Nag-iisang
Paksa
 
Bihag na 'di ko na papakawalan
Pagtawag mong pinaka-inaabangan
Sa bawat gabi
Ikaw ang huling naririnig
Bago pa humimbing
Isa-isahin ko pa man ang bituin
Ikaw lang aking hinihiling
 
Oh isang daang tula
Parang isang pelikula
Na tanging ikaw lamang ang paksa
 
Oh tinuturi kong
Oh ang itinuturing akin
Pinipili
Ikaw ang tanging
Simulang hindi magwawakas
 
Oh tinuturi ko
Oh ang itinuturing akin
Ituturing sa paraan na
Walang ibang makakaranas
 
Hayaan mo sila na makinig
Ikaw ang tanging naririnig
Lahat man sila ay makinig
Para sa 'yo ang aking piling
 
Isang daang tula
Ikaw lang ang paksa
 

 

Comments