Share
Font Size
Filipino/Tagalog
Filipino/Tagalog
Tulad ng isang ibon
Tao ay lumilipad
Pangarap ang tanging nais
Na marating at matupad
 
Isip ay nalilito
Pag nakakakita ng bago
Lahat ng bagay sa mundo
Ay isang malaking tukso
 
Bakit pa luluha
Bakit maghihirap
Ayaw mang mangyari
Ay di masasabi
 
Sasaktan mo lamang
Puso ay huwag sugatan
Ito'y laro lamang
Sa mundong makasalanan
 
Tubig ay natutuyo
Bulaklak ay nalalanta
Araw ay limilipas
Sa kadilim ang punta
 
Sasaktan mo lamang
Puso ay huwag sugatan
Ito'y laro lamang
Sa mundong makasalanan
 
Tulad ng isang ibon
Tao rin ay mamamatay
Pangarap niyang tanging nais
Makarating sa kabilang buhay
 

 

Comments